Chapter 2

3055 Words
SKY POV "Ate may problema ba tayo?" Tanong ko sa kaniya. Kitang-kita ko ang pangingitim ng ilalim ng mata niya. Parang hindi yata siya natulog. "Walang problema Sky. Kung meron man ay sasabihin ko naman." Hindi ako naniwala sa sinabi niya. Last time ganyan din sinabi niya sa 'kin nong nalaman niyang buntis sya noon kay Cloud at pinoproblema niya kung pano niya ipagtatapat yon sa 'min. "I don't believe you." Napabuntong hininga si Ate Sam. Kita ko ang pag aalinlangan niya. "It just... nag aalala lang ako for you" Sa narinig ramdam kong totoo ang salitang yon. "Kung sakaling may kahina hinalang sumusunod sayo sabihan mo 'ko kaagad." My sister is paranoid again. "Ate Sam sa ganda kong 'to alam ko na kung pano i-handle ang mga stalker ko. Sanay na 'ko, mula high school at college ba naman. Master ko na ang pag iingat tsaka black belter to no." Mahaba kong kuda. Masyado akong binibaby ng pamilya ko. "By the way anong pinag uusapan niyo nila Mommy at Daddy kagabi?" Namutla si Ate sa tanong ko. Napatingin ako sa likuran ko. Baka may nakikita siyang multo hindi niya lang masabi! Charot Kinuha niya ang tasa niyang may kape at sumubo ng pandesal. "T-They are lying to us. Hindi raw tatlong buwan sila sa Thailand baka matagalan pa sila don." Napatango na lang ako. Baka masyadong seryoso lang talaga sila kagabi. Kaya nagkibit balikat na lang ako. Nag simula na rin akong gumayak dahil may imprtanteng ganap today sa Hallestein. Kaya Alas-sais pa lamang ng umaga ay nasa hallway na ako ng Hallestein Empire. Maaga akong pumasok dahil sa takot kong ma-late. Ngayon kasi ang araw na dadating ang CEO nito. Balak niyang makita ang lahat ng empleyado ng kompanya niya. Siya na masipag! Baka tumandang pagod "Good morning Sky." Salubong sa kin ni Nico na yayakapin sana ako pero umiwas na 'ko kaagad. I don't do hugs sa taong kagaya niya. 'Napakagandang bungad nga naman talaga sa umaga.'Sarcastic yan mga mare! Hindi ko tuloy maiwasang mapaismid sabay palatak. "Hindi mo ba ako na miss babe?" "Miss mo mukha mo. Tigil-tigilan mo 'ko Nico baka maging sss ako na wala sa oras dahil sa mga pinagsasabi mo. Huwag mong hintayin na mapuno ako sayo," gigil kong kuda. Ang aga-aga na sisira na kaagad ang araw ko. Kailan ba 'ko tatantanan ng lalaking 'to? "Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too?" May pakanta pa siyang nalalaman. "Nakakairita ka Nico" Napa-pout ito sa sinabi ko, akala niya siguro cute na siya sa lagay na yan. "Wag kang magpout ang sagwa tingnan."Hindi ko na napigilan ang marahas kong dila. Tiningna ko siya ng masama. Wala naman kasi talaga akong balak na patulan siya at higit sa lahat ang mahalin siya. Kaya sa umpisa pa lang ay ipinapakita ko na ayoko sa kaniya. Hindi ko naman kasi ugaling magpaasa ng tao. Baka kasi sa unting kabutihan na ipapakita ko ay umasa siya ng todo. Alam kong hard yung sinabi ko sa kanya, sadyang gusto ko lang matauhan siya. "Mapapasagot din kita balang-araw."Nakangiti naman nitong sabi. I just rolled my eyes.Wala talagang kadala-dala ang taong 'to. "Libre lang mangarap,mangarap ka habang gising~" Kanta naman ni Julie na ikinasama ng tingin ni Nico.Narinig marahil ng bruha ang sinabi ni Nico. "Bye for now babe may masamang hangin na umaaligid. Allergic pa naman ako sa mga masasamang elemento."Paalam ni Nico na tiningnan nang masama ni Julie na ikinataas naman ng kilay niya. "Huwag kang umasa Nico na magkakagusto sayo si Sky! Yung kaibigan ko Dyosa 'to. Hindi pumapatol sa lamang lupang elementong gaya mo."Ganti niya. Kahit kailan talaga 'tong si mareng Julie ayaw patalo sa bardagulan. " Tama na yan Julie,wag mo na lang pansinin si Nico dapat nasanay ka na ro'n." "Nakakasira kasi ng umaga. Kairita e! " Nakabusangot niyang turan. "Baka naman ikaw ang mainlove sa lalaking 'yon."Asar ko sa kaniya. Parang aso't pusa kasi ang dalawa. Sometimes I do believe sa the more you hate the more you love pero exception ako sa ganon. Never na mangyayari sa 'kin ang ganon. Itaga nyo sa makinis kong mukha! Hanggang crush-crush lang ako mga bebe. "Tigilan mo ako Sky, meron ako baka gusto mong sampulan kita ng black eye." "Yakapin na lang kita para good vibes ka na." Nakangiti kong sabi dahilan upang ngumiti na ulit ito. She do really love hugs. "Dapat ngumiti ka lang lagi ngayon dahil makikita mo na ang crush mo." Dagdag ko pa na ikinasilaw ng pagmumukha niya. Talagang patay na patay siya sa boss namin. "Ene bee....." Kinikilig nitong turan sabay hampas sa braso ko. Parang nakawalang bulate. Bakit ba kayong mga babae pag red days paiba-iba ng mood? Buti na lang ako mukha lang, I don't need to feel the yucky feeling. "Ay ang landi ni mareng Julie dahil talaga kay Sir Calvin kinikilig ka ng bongga? Baka mamaya nyan malaglag napkin mong puno ng dugo." "Kadiri ka Sky! Ang dumi-dumi mo!" Napahalakhak na lamang ako.Sadyang nag e-enjoy talaga ako pag naiinis ang babaeng 'to. "Sky, gwapo ba talaga yung nakaaway mo kahapon sa Toy Castle?" Change topic ni Mareng Julie. Kahit kailan talaga maharot 'to. Dahil naitanong niya na naman ang lalaking 'yon kaya nainis na naman ako.Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari kahapon. "Oo gwapo nga, pero saksakan sa pangit ng ugali. Nakakairita akala mo kung sino. Siguro pakboy 'yon mga aurahan kasi niya parang ganon. Yung tipong hindi marunong makuntento sa iisang babae o karelasyon." "Dapat tinanong mo yung pangalan niya, willing akong maging isa sa mga babae niya." Dahil hindi ako nakapagpigil ay hinablot ko ang may kahabaang buhok ng bruha. " Aray naman Sky!"Nakasimangot nitong turan habang inaayos ang buhok nya. "Masasaktan ka talaga sa 'kin kung lagi kang ganyan. Ikaw talaga pag gwapo ang usapan ang galing-galing mo e. Pag binugaw siguro kita, matutuwa ka no." Tinawanan naman ako nito. Kaasar! Pangaral ko ginagawang biro lang. "Naku kahit siya pa ang huling gwapong nilalang sa mundo wala akong paki. Ayoko na makita pagmumukha non,but if si Park Boo Gum o di kaya si Park Chanyeol at ako na lang, aba syempre magpapabuntis na 'ko!" "Wag ambisyosa Sky! Wala kang matres!" "May cute akong pamangkin!"Ganti ko naman na ikinahalakhak niya. Feeling siya lang tao rito kung makatawa. "Pero pag nagkita ulit kayo non balato mo na sa 'kin." Natawa na lang ako sa kalokohan ni mareng Julie.Wala e, ganon talaga pagkasama natin yung kaibigan nating may saltik din. No dull moments! Pasado alas siete na ng umaga.Marami-rami ng empleyado ang nasa hallway naka linya kami by department. Kailangang maging maayos sa paningin ng boss baka unting pagkakamali lang ay tanggal na sa trabaho at 'yon ang kinakatakutan ko. Pormal na pormal ang mga suot naming mga empleyado at mukhang kagalang-galang. Lahat ay posturang postura. Naging alisto ang mga guards hudyat na padating na ang CEO. Ang maingay na paligid ay naging tahimik. Parang unting hikab o hatching ay magiging flaws na ng lahat. Maingat ang lahat sa kanilang kilos at galaw. Maging ako ay hindi na nagsalita sa takot na baka may mali akong magawa. Malinaw kong narinig ang bawat hakbang na ginagawa ng lalaking papasok sa loob. Nakatuon ang paningin ng bawat isa sa entrance at lahat ay dahan-dahan na nagsiyuko na siyang ginawa ko na rin. Para siyang isang hari na dapat pagbigyan ng galang. Hindi ko ikakaila na excited din naman akong makita ang boss namin. Para naman malait ko na siya kay Julie. Lagi kasing ipinagmamalaki ng bruha na walang kapantay sa kagwapohan ni Sir Calvin. Nagtaka ako kung bakit natigil ang pag tunog ng hakbang sa mismong tapat ko. Medyo bumibilis ang t***k ng puso ko kaya ako'y napapikit at kinakalma ang sarili kasabay ng paghugot ng malalim na hininga. Nagreregudon ang puso ko. Hindi na yata 'to normal. Napapikit ako sa tindi ng kaba ko. Pakiramdam ko may maling mangyayari simula sa araw na 'to. Ngunit sa pagmulat ng mata ko. Ang kapre na antipatiko ang bumungad sa 'kin. Nakangisi pa ito sa akin. Mukha niya'y nagsasabing may hindi itong magandang gagawin. "Good Morning Sir Calvin" Sabay-sabay na bati ng mga kasamahan ko samantalang ako ay hindi makapagsalita. Hindi mahagilap ang salitang nais sabihin dahil sa gulat ko na makita siya ulit. Ang malala pa ay siya pala ang CEO ng H.Empire! Natuod ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong gumalaw ngunit nanglalambot at nang hihina ang tuhod ko. 'May likha ang bait mo naman po sa 'kin.' Hindi ko magawang tapunan ng tingin ang Calvin na 'to. Yukong-yuko ako kung pwede lang ang manghiram ng mukha ng hayop ay ginawa ko na para hindi niya na ako makilala. Sa bawat segundong lumilipas ang kaba ko ay lumalala dahil ramdam ko ang maigting niyang pagtitig sa 'kin. Wala yatang balak na bumalik sa dating ritmo ang puso ko. Kabog nang kabog. Sa kakape ko 'to e! Letche emotional na tuloy yung noo ko at si Kelly! Why so nervous ba kasi self? Malakas ang aircon pero pinagpapawisan ako ng malala kala mo nakipagkarerahan. Gustong-gusto ko na siyang paglakarin sa unahan, bakit kasi bet na bet niyang tumayo sa may harapan ko. Pwede naman na huwag niya na lang akong pansinin! "Nice to see you again Mr. Sky Samandiego" Nakangiti niyang bati rason upang mapatingin na ako sa kaniya. Kita ko rin kung pano natuon ang pansin ng kapwa ko empleyado sa akin. Pashneya! "Have a great time here in my Empire." Lumapit pa siya sa 'kin rason upang mahigit ko ang hininga ko. "I'll make sure that everyday you will be having fun here." Sa kaniyang pag bulong sa tenga ko ramdam ko ang kaniyang hininga sa aking balat. Nanindig ang balahibo ko sa init non at dahil malapit siya sa 'kin ay amoy na amoy ko ang gamit niyang perfume. Pakiramdam ko nga ay dumikit sa akin yung amoy niya. Its mint at lalaking lalaki ang amoy. For the first time ay hindi ako nairita sa tapang ng pabango. "Don't forget my name from this day on ward. Siguro naman ngayon ay kilala mo na si Calvin Andrew Hallestein." Kahit na mahina ang pagkakasabi ng bawat salita niya ay malinaw na malinaw sa pandinig ko. Yari na ba ako? Mawawalan na ba ako ng trabaho? Kailangan ko na bang maghanap ulit ng matinong mapapasukan na kompanya? Mahal na Emre ano po bang balak niyo sa buhay ko? "Hoy Sky ayos ka lang?" Nagsipulasan na sa pila ang mga kasamahan namin, nagsibalikan na ang iba sa mga department nila samantalang ako hindi pa rin makaget-over sa nangyari! Nakatayo at tulala lang. "Mareng Julie!Anong gagawin ko ngayon!???" Yinakap ko siya nang mahigpit and shaking her. Mababaliw na yata ako ngayon dahil sa kakaisip. "Pero sabi naman niya na mag enjoy raw ako sa stay ko rito sa company.Pero sa tingin ko balak niya akong tanggalin sa trabaho! Otoke?" Mabilis at walang paghinga kong kuda. Ganito talaga ako pag kabado na at sobrang nag pa-panic. Nanginginig sa kaba ang kalamnan ko kaya pinili ko nang sumalampak sa sahig. "Wala akong maintindihan sa sinasabi mo kaya hinay-hinay lang batla." Pinilit ko ang sarili ko na kumalma kahit papano. "Si Sir Calvin, 'yon ang sinasabi ko sayong masama ang ugali na antipatiko na panget na kapre!" Mabilis na batok naman ang natanggap ko sa bruha. "Aray ko! Bakit mo 'yon ginawa?" "Baliw ka ba ? Gusto mong may makarinig sa'yo at isumbong ka ro'n. E 'di mas lalo kang yari." Hindi ko na malayan na napalakas pala ang boses ko. "Tsaka kumalma ka nga, wala ka namang nilalabag na rules ng company." Sa narinig ay parang may kampana ng simbahan akong narinig. Tama nga naman si mareng Julie. Walang dapat ikabahala. Wala akong masamang ginawa sa kompanya. Ginagawa ko palagi ang best ko when it comes to my work and career. Hindi sila lugi sa pinapasahod nila sa 'kin. "O natahimik ka, tama ako no?" Napayakap na lamang ako sa kaniya. "Kamsahamnida." "Huwag kasi masyadong OA Sky Samandiego." Nakahinga ako ng maluwag, minsan talaga masyado lang akong madrama. Gomenasai... Bago pa mag alas-otso ay pumunta na kami sa department namin. Only to found out that my cubicle was clear. Clear as white.Sobrang linis mi-isang gamit ko ay wala na! "A-anong nangyayari? Na saan ang mga gamit ko?" Natataranta kong tanong sa mga kasamahan ko at tanging iling ang mga sagot nila. Ano yon basta-basta na lang nawala na parang magic!? "Sky nandyan ka na pala." Nakangiting bungad ni Sir Kim ang department head namin. He is in his mid 40's ngunit makisig pa rin at makikitang healthy ang pangangatawan. Don't worry mare hindi ko siya pinag nanasaan or crush. Hindi ako pumapatol sa may asawa na. We don't support infedelity here. "Kanina pa kita hinihintay." Paano siya nakakangiti ng ganiyan samantalang ako ay mukhang namumutla na! Yung kaluluwa ko yata ay lumisan na sa katawan. Mas lalo pa akong natakot ng mapansin ko si Alexandra sa likuran ni sir Kim na nakatingin sa 'kin. Nagsasabi ,buti nga sayo! Ano ka ngayon! Sa kangkungan ang bagsak mo wala ka ng trabaho! Naiiyak na ko, walang hiyang bi*ch na yan may pangiti-ngiti pang nalalaman.Yung pulang-pula niyang labi dahil sa lipstick sarap ikalat! Wagas makangiti kasi sa 'kin.Tunay na mapang-asar. "Follow me Sky." Nagtatakang tiningnan ko si Sir Kim. Wala ba siyang balak na sabihan ako ng mga ganap? Wala bang email for termination? Wala bang one week render para ituro ko sa kapalit ko yung mga gagawin ko? Talaga bang basta-basta na nila akong tatanggalin sa work. Gad! Ang nega ko na mag isip nakakasama na 'to sa ganda ko. "Bye Sky,sa muli nating pagkikita." Nakangisi pang sabi ni Alexandra at naglakad pabalik sa cubicle niya. 'Matapilok ka sana' Nagdilang anghel naman ako at natapilok siya.Digital na nga talaga ang karma ngayon. "Sir Kim" Tawag ko sa pangalan niya habang nakasunod sa kaniya. Gusto kong magtanong sa kaniya kung talaga bang mapapatalsik na ako sa H.Empire. Curious din ako sa ano bang mangyayari sa 'kin. Ngunit napaurong ang dila ko nang lumingon siya sa 'kin. "I'll explain to you later." Kaya napangiti na lang ako ng alangin. Bakit kasi kailangang mawala ng ganon yung mga gamit ko. Kahit papano naman kasi may mga halaga 'yon sa 'kin.Naku malaman-laman ko lang na itinapon nila ang mga 'yon ay magwawala talaga ako. "Sky...." Napahinto ako sa paglalakad dahil sa malungkot na boses ni Julie. Mukhang nagulat din ito sa sinapit ko ngayon. Bago kasi tuluyang makalabas ng department namin ay madadaanan ang cubicle nito. "Mareng Julie wag ka ngang umiyak jan." Saway ko sa kaniya. Makaluha kasi si bruha ay wagas,parang hindi na kami magkikita. "Huwag kang ganiyan. Don't worry dadalawin naman kita sa inyo. " Niyakap nya na lamang ako at ginantihan ko naman iyon. Well... hindi ko naman hawak ang desisyon ng kompanya. Isang tipikal na empleyado lamang ako. Si Sky Samandiego lang naman ako. "Balik na sa trabaho" Mando ko rito at kahit ayaw man niya ay pinandilatan ko ito ng mata kaya wala din syang nagawa kundi ang bumalik. Pasaway talagang babae. San na naman kaya ako nito maghahanap ng trabaho? Magbinta na lang kaya ako ng drugs? Charot lang! No to Drugs tayo mga mare. Nakakasira ng beauty at utak yon. Matakot sa tukhang. Sayang ang ganda kung mabubulok lang sa kulungan ang gaya ko. Pinahiran ko ang pisngi ko. Hindi ko man lang namalayan na naiyak na pala ako.Bakit kasi napakababaw ng luha ko? So is this really the end of my career here? Napabuntong hininga na lamang ako sa mabilis na pangyayari ngayong umaga. I don't know what to do anymore. May 29 , 20** si Sky Samandiego, 22 years old is now unemployed, jobless at higit sa lahat walang ambag sa lipunan. Pumasok kami sa elevator. Hindi na ako nag atubili pang tingnan kung anong floor ang pipindutin ni Sir Kim. Panigurado naman na sa pupuntahan namin ay ang salitang you are fired ang bubungad sa 'kin. "Mismong si Sir ang nag insist na ikaw ang magiging secretary niya Sky. Kaya pasensya na kung hindi ka namin na inform kaagad." Kunot ang noo akong napatingin sa kay Sir Kim. "Based naman sa work experience mo alam namin na kayang-kaya mo ang trabaho." Sa narinig ko ay waring tumigil ang mundo. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil hindi naman pala ako mawawalan ng trabaho. Kainis nag drama pa ako kanina! Yon pala iba lang ang trabaho ko. Akala ko wala na naman akong kwenta sa bahay at lipunan! "W-wait, se-secretary po?"Paninigurado ko, hindi nag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Baka mali rin ako nang narinig. "Yup, you're the new secretary of Sir Calvin." Natigilan ako sa sinabi niya. "Yon kasi ang gusto ni Sir Calvin. I-surprise ka raw." Nang hina ang tuhod ko sa sinabi niya. PATAY KANG BATA KA. Nawala ang ngiti ko sa labi. Hindi ko nagugustohan ang takbo ng buhay at pangyayari ngayon. Sa lahat ng surprise na naranasan ko ito yung hindi nakakatuwa. Hindi ako matutuwa kung galing lang din sa kaniya. "Galingan mo para mag tagal ka rito sa Hallestein. About naman sa sahod hindi mo naman na kailangan alalahanin non. Matic na increase yon." "S-Sir Kim baka naman pwede akong bumalik na lang sa finance department."Pangungumbinsi ko baka kahit papano ay matulongan niya ako. "I see your potential on that job pero ang may-ari ang masusunod Sky Samandiego. We are here dahil nagtatrabaho tayo at pinapasahod ng maayos." Giit niya kaya wala na ako magawa. "Ayaw mo non hindi na kayo mag babangayan ni Alexandra. Akala niyo ba hindi ko alam mga nangyayari sa inyo?" Napakamot ako sa batok ng alanganin dahil na rin sa hiya. Mukhang medyo nakakaabala pala kami. "Naniniwala akong kakayanin mo 'to Sky. Knowing you alam kong easy lang 'to for you. Kung sakaling mahihirapan ka naman tandaan mo na sa umpisa lang naman yon dahil sa bawat araw na dadaan ay matututo't matuto ka." Hindi na ako nagtaka kung bakit si Sir Kim ang department head ng finance. He deserve the position and he know his people and knows how to handle them. Sa pagtunog ng elevator nakita kong nasa 35th floor na kami. Ang floor kung na saan ang office ng CEO. "Good luck on your first day as Sir Calvin's secretary."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD