bc

The Billionaire's Heir

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
billionaire
one-night stand
HE
badboy
powerful
confident
heir/heiress
bxb
lighthearted
detective
campus
office/work place
enimies to lovers
poor to rich
sassy
like
intro-logo
Blurb

Si Sky Samandiego ay isang tipikal lamang na empleyado ng isang kilalang kompanya na H.Empire. Isa syang androgynous,isang lalaki na mukhang babae . Dahil sa kanyang itsura ,na laging napagkakamalang babae kaya lagi rin itong nahaharas at nababastos ito rin ang dahilan kung bakit ilang beses na rin itong nagpalipat-lipat ng kompanyang pinagtrabahuan ito. Luckily he got hired to the corporate which was a safe place for him. But it change , with just one circumstance . Tinarayan or should I say inaaway nya ang isang Calvin Andrew Hallestein without knowing his the owner of the company his been working for a couple of months. The man was indeed handsome, a guy that everyone admired and dream of to be their husband , also he is a breath taking person pero ayaw nya rito dahil sa unang pagkikita palang nila ay mainit na ang dugo nya rito.

Then a night with him change everything.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SKY POV Bilisan mo Sky kung ayaw mong mahuli kita!" "Pakiusap tigilan mo na ako!" Umiiyak kong turan kasabay no'n ang matinding tagaktak ng aking pawis habang mabilis ang ginagawa kong pagtakbo sa takot na kaniya akong mahabol. "Hindi kita titigilan hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. Bakit kasi hindi ka na lang pumayag sa gusto ko a!" Matinding kilabot ang bumalot sa aking sistema. Hindi pa lumuluwag ang turnilyo ng utak ko para pumatol sa matandang kagaya niya! "Kahit anong takbong gawin mo ay sisiguraduhin kong maabutan kita!" Mas lalo ko pang binilisan ang takbo papalayo sa supervisor kong manyak! Sinadya niya talagang maraming ipagawa sa aking trabaho upang makapag-overtime ako. Nagtagumpay nga siyang gawin ang masama niyang balak sa akin. Pwes nagkakamali siya ng taong binangga! Magkamatayan na hindi ko ibibigay ang katawan ko! Binilisan ko pa lalo ang takbo ko sa takot ko na pinipilit kong labanan. Bawal ang umiyak at manginig ngayon dahil sa sitwasyon ko ngayon.Unting hakbang na lang ay malapit ko nang marating ang elevator. "Huli ka Sky Samandiego!" "AHHHHH!!!!" Basa ang noo ng pawis at hinahabol ko ang aking hininga. Lintik na yan! Napanaginipan ko na naman ang animal na 'yon. Kung ano pang bagay na gusto kong makalimutan yon pa yung paulit-ulit na nagiging bangungot ko. This is not good! "Ayos ka lang Sky?" Nag-aalalang tanong ni Ate Sam na tinugon ko ng isang tango. May hawak pa 'tong sandok. Maaga kasi itong laging nag aasikaso ng agahan namin. "Ito tubig o." Tinanggap ko naman kaagad ang inabot nitong baso. "Kamusta ka naman sa bagong kompanya na pinapasukan mo?" Mayamayang tanong niya matapos na pag-aralan ang itsura ko. Napaka-observant kasi ng ate ko at simula ng may muntik ng mangyaring masama sa 'kin ay mas naging protective pa 'to. Sa nangyari sa 'kin noong nakaraang isang buwan ay nag resign kaagad ako sa kompanya na kung nasaan ang hinayupak na 'yon. May balak pa ang loko na pagsamantalahan ako, takte tigang na tigang lang. I'm choosy mga bhes! Kahit naman na pusong babae ako ay wala akong planong pumatol at magpagalaw sa kahit na sino na lang na nagpapakita ng motibo. Tama po kayo ng nabasa, hindi babae at lalong hinding lalaki ang bida sa kwentong 'to. "Okay lang naman ako sa Hallestein ate," nakangiti kong tugon, "you don't have to worry, andon si Julie walang mang-aapi sa 'kin at mang gugulo." Mabuti na lang at nakahanap ako kaagad ng bagong papasukan.Which is Hallestein Inc. Malaki at kilalang kompanya ito. Si Julie rin ang nagrefer sa akin sa kompanya kaya medyo hindi mahirap ang pag a-apply ko. Tanggapin na natin ang katotohanan sa mundong kinakagalawan natin minsan need natin ng kapit. Insert crying emoji! O 'di ba ang aga-aga kong magdrama. "Halika na kumain na tayo nakahanda na ang agahan." Yaya ni ate Sam kaya kaagad akong sumunod sa kaniya sa kusina. Anyway highway, I'm Sky Samandiego.Maraming nagsasabi na magkamukha kami ni Byun Baekhyun. Kaya pareho kaming pretty and fab. Oo ka na lang mare, wag nang umangal pa. For more information and details about me, just read my story until the end. Support niyo po ako. "Tita Sky..." Tawag ng cute kong pamangkin na si Cloud, 2 years old pa lamang ito medyo matatas na kung magsalita.Binuhat ko ito at naupo ito sa lap ko. "Good morning po," nakangiting bati nito sa 'kin at hinalikan ako sa pisnge kaya hinalikan ko rin ito . Ang sweet talaga ng nilalang na 'to. "Sino ang Dyosa baby Cloud?" "Ikaw po" Masiglang tugon nito sa kin. "Tigil-tigilan mo nga yang anak ko Sky" Saway ni ate Sam habang inilalagay ang mga pagkain sa mesa. "Di ba baby Cloud si tita Sky ang pinaka magandang babae sa buong sansinukob?" Tumango-tango naman ito dahilan upang niyakap ko ito ng mahigpit.Nakakagigil maganda talagang kausap ang mga bata,nakakatuwa.Hindi 'ko tuloy maiwasang mapangisi. "Batla wag kang ambisyosa jan 'di ka Miss mukha ka lang babae." Kahit kailan talaga panira ng trip 'tong ate ko. Hindi marunong makisabay masyadong kill joy. "Kahit anong sabihin mo maganda pa rin ako!" Inikutan lang ako nito ng mata,ang aga-aga tinatarayan ako. Uma-attitude si Samantha. Akala mo naman maganda. Well, sadyang ganito lang kami ng ate ko pero mahal na mahal naman namin ang isa't-isa .Nang nabuntis ito at iniwan ng tatay ni Cloud tanging kami lang ang magkasangga. Tungkol naman sa pagkatao at kasarian ko ay tanggap naman ako ng pamilya ko. Kasalukuyan namang nasa ibang bansa sina mama at papa dahil sa trabaho nila ngayon. Tatlong buwan din silang mananatili sa Thailand. Kaya namimiss ko rin sila. "Kung ako sa'yo kumain ka na, kung ayaw mong ma-late." Napatingin naman ako sa orasan at nang makitang malapit na mag 6:30 ay binilisan ko na ang pagkain ko. Kaya mabilis kong nilantakan ang sinangag na kanin at hotdog. Nang matapos sa pagkain ay nagtungo kaagad sa banyo. "Bye tita Sky." Paalam ni Cloud at kumaway-kaway pa 'to nang mapansin ang malapit kong pag-alis. "Anong gusto mong pasalubong baby Cloud?" "K-komasan po." Masiglang sagot nito at nagtatalon pa. Isa iyong character sa anime na Yokai Watch na kinagigiliwan niya ngayon. "Sige, pag-uwi ni tita Sky."Mabilis kong sagot at umalis na dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho ko. Dahil sa maswerte yata ang araw na 'to kaya walang traffic .Mabilis akong pumasok sa kompanyang pinapasukan ko nakipagsiksikan pa ko sa elevator. " Thank God." Sabi ko matapos makapasok sa finance department at umupo sa may cubicle ko. "Galing mo talaga Sky every last second ang dating mo."Sarcastic na bungad ni Julie na malapit kong kaibigan. Maliit lang si Julie nasa 4'1, morena siya at maganda ang natural na maalon alon niyang buhok na ngayon ay kulay pula. Pak na pak ang bakla, palaban. " Good morning Sky."Masayang bati naman ni Nico. Unang araw ko pa lang dito sa kompanya ay pinopormahan na kaagad niya ako. Mukhang playboy kaya hindi ko na pinapatulan. Wala akong balak na papasukin siya sa buhay ko. Ayoko ng sakit sa ulo. "Anong ikinaganda ng umaga, tsaka can you please leave me alone." Malamig kong tugon dito. Matagal ko na kasing sinasabi na tigilan niya na ako dahil 'di ko naman siya gusto. May itsura naman ito at lapitin ng mga babae kaya lang 'di ko talaga type. "Sky naman alam mo naman na ikaw lang gusto ko. Kaya hindi kita titigilan at susukuan ." Maraming beses ko nang naririnig sa kaniya yan dahil sa paulit-ulit kong pagtanggi na rin. "Hindi tayo pinapasahod ng Hallestein para lang yayain akong makipag date, back to your work Nico bago ka pa mahuli ni Alexandra." Pangaral ko sa kaniya at tinutukoy ay ang super visor namin na mainit ang dugo sa 'kin. Am I being rude na ba? Well I don't care. Ayoko lang umasa sa 'kin si Nico. Gusto kong matanggap niya na malabong magkaroon ng "kami" "Putol-putol na daliri ,pugot na ulo, pinong-pinong puso, gutay-gutay na bituka. Labas ang utak,luwa ang mga mata." Lihim akong napangisi nang makita kong namumutla na ito. He hate gore staff. Malinaw sa mata ko kung pano gusto na niyang maduwal. "Na-nakalimutan ko ma-may ga-gawin pa pala ako." Halos hindi siya magkanda ugaga na tumakbo palayo sa akin. Dahil magiging busy ako kaya binuksan ko na ang computer ko at nagtype kaagad ng mag-on na ito .Kailangan ko na kasing tapusin yung financial report na 'di natapos kahapon. "Sky nakikipaglandian ka na naman!" Puna ni Alexandra. Malakas ang boses nito na tila maririnig sa buong floor. Napahugot ako ng malalim na paghinga upang pakalmahin ang sarili dahil sa paratang nito at kawalan ng delikadesa. Tinapunan ko ito ng malamig na tingin. Sobrang fit ang suot nitong damit at kita cleavage nya. Maiksi pa ang skirt nito na unting galaw nito ay makikita na ang perlas nito. Kwestyonable kung iniingatan ba niya iyon. "I can sue you for saying that without any evidence." Matiim ko itong tiningnan sa mata. "Nakita mo bang naghaharutan kami dito para sabihan akong malandi?"Dagdag ko pa at tinaasan ko siya ng kilay.Hindi na ako magpapa-api no, walang Samandiego na kinakawawa. Tama na yung minsan akong kinawawa. Sanay na ang mga kasamahan namin dito sa ganitong eksena kaya normal na ang ganitong senaryo. Napaka insecure naman kasi ng babaeng pabida na 'to. " If I were you, babalik na 'ko sa trabaho dahil hindi tayo nandito para gumawa ng eksenang ganito."Kuda ko pa at humarap ulit sa computer para ipagpatuloy ang ginagawang trabaho. Inis naman itong umalis. Ang hilig talaga niyang sirain ang umaga ko. Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo sa kin ni Alexandra. Sa una naman naming pagkikita ay maayos ko naman itong pinatunguhan, maybe sadyang may taong ganito sa mundo. Mabilis ang naging takbo ng oras at lunch time. "Beshie kong maganda tama na ang trabaho. " Awat ni Julie at minasahe pa nito ang balikat ko. "Tama na yan Sky kain na tayo." Yaya nito na tinanggal ang eyeglasses ko at hinila ako papuntang cafeteria. Umorder kaagad kami ng makakain at naghanap ng available na table at naupo ron. "Beshie ang gwapo talaga ni Sir Calvin Andrew." Kinikilig nitong sabi na tinutukoy ay ang CEO ng kompanyang to. Para itong bulate na inasinan. "Talaga ba?"Halata sa tono ng boses ko na kunwari interesado ako, kaya tiningnan ako nito ng masama na ikinangiti ko lang . Crush na crush niya kasi yung CEO ng Hallestein na lagi nyang sinasabi na gwapo raw ito at maraming nagkakandarapang babae at binabae. "Ikaw kasi bakit ayaw mong tingnan yung mukha ni Sir Calvin." Reklamo nito dahil kahit kailan 'di ko pa ito nakikita kahit na ilang beses na ito na e-feature sa mga magazine.Masyado kasi akong busy sa pag sspazz sa exo at pagbabasa ng story sa wattpad.For short I'm busy with my 'fangirl' life dagdagan pa ng panonood ko ng mga BL series and crime investigatory documentary. Hindi ko nga kilala ang sikat na artista ngayon at kung ano bang trend sa buwan ngayon. "Wala akong paki kung gwapo man ang CEO ng kompanyang 'to mas gwapo pa rin si Park Chanyeol ko!" "Puro ka EXO !" Reklamo naman ni Julie . Tinawanan ko naman minsan kasi madaling mapikon 'to. "Wag nang sumimangot ang cute kong best friend."Lambing ko at sinubuan ko ito ng pagkain niya. "Pasalamat ka mahal kita." Pagsuko nito at kinurot ang pisngi ko. "Kadiri ka mareng Julie , 'di ako pumapatol sa kauri ko." "Napaka-ano mo" Tugon nito with death glare. Tinawanan ko lang ulit ito.Masaya talaga ang mang-asar. "Wag ka na ring magtampo mukha kang duwende na constipated!" "Aray!!!" Mabilis ako niyang sinabunutan at ang pandak kong kaibigan ay mabilis din na tumakbo. Hindi man lang ako nakaganti! Matapos ang lunch break ay balik trabaho kami.Kailangan kumayod para sa magandang buhay at ekonomiya ng Pinas! Hindi ko na rin napansin ang oras dahil sa pagiging abala sa trabaho. Natapos ang buong araw at kahit pagod na ako ay maganda pa rin ako mga bhes! I need to buhat the bangko dahil wala namang gagawa non for me kundi ako lang. Kagaya nga ng pangako ko sa pamangkin ko dumaan ako sa Toy Castle para bumili ng gusto ni baby Cloud. Spoiled sa 'kin yon e ,tsaka mahal na mahal ko. I willing to spend every penny for my beloved pamangkin. Nang makita ko ito sa estante ay kinuha ko kaagad ito dahil nag-iisa na lamang sya pero may kamay din ang humila nito. "Ako ang unang nakakuha nito mister." Madiin kong wika at tinaasan pa ito ng kilay. Pag akin, akin na. Walang pwedeng kahati. "Ako ang naka-una." Madiin nitong sabi,walang planong ibigay sa 'kin si Komasan. Hindi ko tuloy maiwasang mapairap dahil sa inis ko. Napakatampalasang nilalang. Mukhang kailangan kong ilabas ang hidden manly power ko! Tiningnan ko yung mukha ng lalaking antipatiko. Kailangan ko pang tumingala dahil ang tangkad nito. Sakit nga sa batok at nakakangalay. Malinaw kong nakikita ang mukha niya. Parang tumigil ang ikot ng mundo ko. Oras ay sadyang huminto sa puntong 'to. Naging tahimik ang paligid at tanging kabog lang ng puso ko ang naririnig ko. My gosh! Ang gwapo nya mga bess!nakakalaglag panty liner. Ang tangos ng ilong tsaka yung mata ang ganda tingnan nakakapanglunod. Yung lips naman napaka kissable . Kung pwedeng magreklamo sa may likha ng lahat ay number one na ako sa mag co-complain. Everything about him is greatness and perfection. Mula sa mukhang hahangaan at iibigin mo hindi magpapatalo ang kaniyang katawan. Tila buong pag iingat at pagmamahal na nililok ng may lalang ang buong pagkatao niya. Lalaki ay kakainggitan at hahangaan ang gaya niya. "Bakla yata 'to" Rinig kong bulong nito.Don't me! malakas pandinig ko. "Anong paki mo kung bakla ako,"kuda ko at tinaasan ko sya ng kilay. Mukhang homophobic pa si kuya. Turn off na ko kaya hinila ko si Komasan sa kanya ulit . Balak ko pa naman sanang ibigay na lang sa kaniya. Pero dahil sa attitude nya makikipagmatigasan ako rito. Lahat ng paghanga na naramdaman ko kanina ay nawala. Aanhin mo ang gwapo kung panget naman ang ugali!? "Give it to me ako ang nauna sa kanya."Inis kong sabi pero nakipaghilaan naman ito sa kin.Walang balak na magpatalo. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa, parang sinusuri niya pagkatao ko. Nagbigay iyon ng kakaibang epekto sa 'kin. Pakiramdam ko ay nanayo ang mga balahibo ko sa katawan. Napansin ko ring nakatingin ito sa lanyard na suot ko. Pero isinawalang bahala ko 'yon. Ano siya gold? "Hindi mo ba ako kilala?" Seryoso nitong tanong na may diin sa bawat salitang itinuran niya. Mga mata niya ay mariin kong makatitig sa 'kin. Para niya kong kakainin ng buhay. Pero hindi ako papatiklop. Paki ko kung sino sya kahit na anak pa sya ng president wala ako paki alam. Pare-pareho lang kaming mamamayan ng Pilipinas! Aba nag babayad din ako ng tax na kagaya niya! "Hanapin mo paki ko kung sino ka." Tiningnan niya ko nang masama pero 'di ako natatakot ,palaban 'to mga bhes kaya nakipagtitigan din ako sa kaniya . "Ma'am and Sir wag na po kayong mag agawan niyan may stock pa naman po nyan." Lumapit na sa amin ang staff ng tindahan dahil sa nagsisimula na kaming mag-away. Sana sinabi niya kaagad para hindi ako makipag-agawan.Kakagigil ka 'te. Binitiwan naman ni asungot si Komasan.Nasa akin ang huling halakhak.Binelatan ko ito, siya naman ay sumama sa staff para kunin ang isa pang stock. O 'di ba, ako nga kasi ang nauna nakikipagmatigasan pa siya. Am I childish na ba? "Wag mong tawaging ma'am yan,bakla naman yan." Rinig kong sabi nya, napakaantipatiko! Bastos talaga ng bunganga ng kapre na 'to. Anong problema nya sa sexuality ko? Napaka close minded.Nakakasira ng araw. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa tindi ng asar ko sa lalaking 'yon. Bago pa ako mag algoroto ng bongga ay binayaran ko na agad ang plush toy para maka-uwi na. Mahirap na baka abangan ako sa kanto ng kapre. Siya na talaga ang biniyayaan ng height. Kaya panigurado kung balak niyang saktan ako ay wala akong laban. Isang suntok niya lang titilapon ang makinis at sexy kong katawan. Anyway, bakit ko kailangang problemahin iyon. Let the problem, problem itself. Basta ako I'm happy and contented at tiyak na matutuwa si baby Cloud sa pasalubong ko. "Tita Sky!" Masayang salubong ni Cloud at niyakap ang legs ko. Like I expected, ang ngiti niya ay abot mata. His foxy eyes were glimmering in happiness. "Dala na ni tita Sky ang gusto mo baby Cloud," masaya kong sabi, nakakawala ng stress ang pamangking kong 'to. Sinalubong niya ako ng yakap kaya itinabi ko muna ang dala ko at ginantihan ang yakap niya. "Thank you po." Pinapak nya naman ng kiss ang pisnge ko. Inilabas niya kaagad sa plastic na lagayan si Komasan at pinanggigilan niya itong niyayakap. Nawala bad vibes ko ron sa asungot na 'yon dahil sa nakikita ko si Cloud na ngumingiti. Pang stress reliever talaga ang pamangkin kong 'to. Mag aalas dose na ng gabi nang makita ko si ate Sam na gising pa rin. Naalimpungatan kasi ako ng tulog. Naririnig kong may kausap ito gamit ang laptop. Mukhang hindi pa siya tapos sa trabaho niya. Maingat ang lakad ko pababa ng hagdan. "Ano sinasabi mo Mommy? Bakit ngayon niyo lang sinabi." Mahina man ang boses ni ate Sam ay ramdam ko ang galit don. "All this time ay nagsisinungaling kayo." Sa tindi ng frustration niya ay napahilamos ng mukha si ate Sam. Naku masama yon sa face niya. Dapat hindi niya hinawakan mukha niya ng basta-basta. Baka marami germs sa kamay niya magkapimple pa siya ng bongga. Lumapit na ako, ayoko namang nakikitang mamorblema ate ko. "Is everything fine?" Sa tanong ko ay parang nakakita siya ng multo sa tinding gulat niya. "Ate sa ganda kong 'to parang insulto yang gulat mo. Parang nakakita ka ng multo." Biro ko na lang sa kaniya. Nakita ko sa screen na sina Mommy pala ang kausap niya. "Ka-kanina ka pa ba jan?" Utal-utal niyang tanong. "Kakababa ko lang,"tugon ko. Napatingin ako ulit sa screen,"Hi Mommy at Daddy! You should have a beauty rest na po. Naku masisira ganda niyo kung puyat na lang nang puyat." "So sinasabi mo na panget na ako Sky Samandiego?" Pagtataray ni Mommy. Tinawanan ko lang siya. "At least ako may love life. May asawang nagmamahal." "Oi Mommy medyo bastos po! Pag ako nagkajowa talaga!" Siya naman ang tumawa sa 'kin. Nakita kong mukhang nag lightened naman na ang mood ni Mommy. Kanina kasi parang binagsakan ng langit at lupa. "Tama na ang video call. Bukas na ulit. Matulog na tayo. Bukas na ulit mamorblema, wag masyadong papadala sa problema. Lalabanan natin yan a." Mando ko. "Lovelots Mother Earth and Father dearest!" Paalam ko. "Ikaw ate matulog ka na rin. Baka gumising na umiiyak na naman si Cloud. " Walang problemang makakataob sa pamilyang 'to. Walang problema na uurungan, sayang ganda ko kung papadaig ako sa problema. Laban mga mare! "Sky you love our family right? Nagsalubong naman ang kilay mo sa tanong ni ate Sam. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag aalala at parang may bumagabagabag sa kaniya. "Of course!Mahal ko si Mommy,Daddy, ikaw at si Cloud. Kayo ang pamilya ko at maswerte ako dahil bahagi kayo ng buhay ko,"tugon ko.Nakita ko ang pag gaan ng mukha ni ate. "Kung may problema man pagtutulongan natin na maayos 'yon."dagdag ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook