Tatlong taon, tatlong taon na ang nakalipas mula noong huli kong nakita si Stephanie. Mula rin noong ay wala na akong naging balita sa kanya. Umuwe ako sa amin at sinubukang ayusin ulit ang buhay ko. Ibabalik ko sana 'yong pera kaso nakita ni Nanay. Sabi niya gamitin na lang namin pang negosyo. Hindi na ako umangal dahil hindi ko rin naman kayang humarap pa sa pamilya ni Stephanie. Baka magbago lang ang isip ko at kausapin ulit si Stephanie. Tinatanong ako noon ni Nanay kung ano ang nangyari at bakit daw ako umuwe. Hindi raw siya galit. Nagtatampo, oo, dahil hindi raw ako nagpaalam ng personal. Ramdam naman niya raw na may namamagitan na sa aming dalawa ni Stephanie. Kaya noong umuwe ako at hindi ko kasama si Stephanie ay hindi niya ako tinantanan ng tanong. Sabi ko na lang ay kinailanga

