Para akong pinagsakluban ng langit at lupa matapos kong makausap kong makausap si sir Wilfred. Ibinaba nila ako sa tapat ng karenderya na kinainan namin. Sabi niya, kapag nakapag-isip na raw ako ay mag-text daw ako sa kanya o tumawag. Kaya naman ay hindi ko na hinintay pa si Mang Oscar. May pera naman ako pamasahe pauwe. Magpapaliwanag na lang ako sa kanya bukas. Pinag-isipan kong maige ang dapat kot gawin. Ayaw ko sana maniwala na magagawa niyang saktan sila nany. Kaso may pinakita siyang picture ni nanay at Kirah. Naglalabas si Nanay habang si Kirah ay palabas galing sa school. Ibig sabihin ay minamanmanan nila ang pamilya ko. Ano na ang gagawin ko? Ayaw kong mapahamak ang pamilya ko. Pero hindi ko rin kayang mawala sa akin si Stephanie. Mas lumalim na rin kasi ang nararamdaman ko para

