Panay halik ko sa ulo ni Stephanie noong makatulog na siya. Pagkatapos namin at binihisan ko siya dahil inantok na agad. Gano'n siya palagi sa tuwing kami ay mag-iisa. Hinila ko siya padikit sa akin. Kahit na palagi akong nangangalay kapag na unan siya sa braso ko ay tiniis ko ngayong gabi. Hindi ko siya binitawan kahit na umiiwas siya. Ito na ang huling gabi namin na magkatabi matulog. Masakit man pero kailangan ko itong gawin. Para sa ikabubuti naming lahat. Kinabukasan, maaga akong nagising. Sinigurado kong tulog pa si Stephanie. Kaya kahit halos wala na akong na itulog ay maaga pa rin akong gumising. Kinuha ko ang cellphone ni Stephanie na matagal nang nasa bag niya. Binuhay ko iyon. Napabuntonghininga ako noong ang daming miss call na lumabas at messages. Lahat ay galing sa unregist

