I was dumbfounded when I learned it was Troy who's in the hospital. Kinakausap ni Stephanie ang doctor tungkol sa nangyari kay Troy. Habang ako naman ay nakatitig lang sa anak namin habang mahimbing pa rin itong natutulog. Ano kaya ang nangyari sa kanya? Sa dami ng yaya ni Troy, imposible naman atang dahil sa napabayaan ito. Habang tinititigan ko si Troy, hindi ko maiwasang magtaka. Likas naman atang mestiso ang anak namin, pero kakaiba ang kaputian niya. Para na siyang numutla at manilaw-nilaw pa nga. Hinaplos ko ang pisngi niya. Napangiti ako agad dahil hindi ako makapaniwala na ang batang ilang beses ko nang nakita sa building nila Stephanie ay anak ko pala. Kaya pala sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. “I thought you were already looking for it!” pagalit na sabi ni Stephanie.

