Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang tungkol kay Troy. Kahit hindi ko pa nakukumpirma mula kay Stephanie na ako ang tatay niya ay malaki ang paniniwala ko na anak ko siya. Habang iniisip ko nga siya ngayon ay may pagkakahawig kami kahit litaw na litaw ang dugo ni Stephanie. Parehas sila ng hulma at kulay ng mga mata ng kanyang ina. Maging ang tangos ng ilong nito at balat ay nakuha niya. Ngunit kung titingnan ang kalahating mukha nito ay parehas kami. Nakuha niya ang labi ko. Napangiti ako habang iniisip iyon. May anak na ako! Tatay na ako! Kahit na hindi ko sila nakasama nang ilang taon ay masaya pa rin akong malaman na may pamilya na pala ako. Kaya kahit na hadlangan pa man ako ni sir Wilfred ay hindi ako mawawalan ng pag-asa. Tanghali pa lang ay naghanda na ako. Mayroon daw’

