Matapos kong makausap si Stephanie at malaman na may anak siya ay hindi na nawala sa isip ko si Troy. Alam ko na sinasabi niyang hindi ako ang tatay nito. Pero hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko kumpirmado pero sa tingin ko ay mag-aapat na taon na ang bata. Gano’ng taon din kaming nagkahiwalay ni Stephanie. Ano? Nakakita siya agad ng bago noong magkahiwalay kami? Akala ko ba minahal niya rin ako? Tsk! Hindi naman imposible dahil ako ang naging dahilan kaya nakita siya ulit ng tatay niya. Hindi ko siya masisisi kung maghahanap siya ulit ng bago. Si Reckson ba ang tatay ni Troy? Mabilis akong napailing at napahampas sa manibela ng kotse. Oo, kano rin si Reckson pero hindi niya kamukha si Troy. Napabuga ako ng hangin at dahan-dahang ipinara ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Ilang mi

