Mabilis akong bumyahe papunta sa opisina nila Stephanie. Hindi ko alam kung ano ang aabutan ko roon. Pero noong sinabi sa akin ni Lito na may anak si Stephanie ay nagkaroon ako ng pag-asa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay anak ko rin iyon. Pero bakit walang sinabi sa akin si Stephanie? Bakit hindi niya manlang sinubukan na ipaalam sa akin? Gano’n na lang ba kalaki ang galit niya sa akin? Napahinga ako nang malalim. Kung ano man ang dahilan niya ay hindi ako papayag hanggat hindi ko malaman ang totoo. Pagkarating ko sa building nila ay dumeretso ako sa receiving area. May dalawang babae ang nakatayo roon na agad na ngumiti sa akin. Na agad ding nanlaki ang mga mata habang nakatitig sa akin. “Omg! Aga?” Tipid akong ngumiti. “Nandyan ba si Miss Stephanie Savar?” Naging matipid di

