“Are you out of your mind?! Talaga bang siya ang gagawin mong donor ni Troy?!” galit na galit na sabi ni Dad paglabas ni Aga sa loob ng kwarto ni Troy. I took a deep sigh before turning back to him. Nahagip ng mga mata ko si Troy na nakasubsob na sa dibdib ni Mikaela. Bigla akong nakaramdam ng kirot dahil nakita niya pa ito. “Can we not talk about this here, Dad?” “Paalisin mo na ang lalakeng ‘yon dito ngayon din!” “And what, Dad? What will happen next?” Nabasag na ang boses ko. Sa totoo lang ay pagod na pagod na akong makipagtalo kay Dad. Pero wala na ata akong nagawang tama para sa kanya. Lahat na lang ng mga desisyon ko sa buhay ay mali sa kanya. And I have a son now! “Hindi ko hahayaang mapahamak ang anak ko para lang sa pride mo, Dad! Kung si Aga lang ang makakatulong sa amin,

