Iyong isang oras na paghihintay namin sa resulta kung compatible ba akong donor kay Troy ay pakiramdam ko isang buong araw. Mabuti na lang maganda ang balita na sinabi sa amin ng doctor ni Troy. Pwede akong mag-donate ng parte ng atay ko kay Troy. “Finally!” masayang sabi ni Stephanie. Tumingin siya sa akin at bigla na lang akong niyakap. Sandali akong napanganga sa ginawa niya. Hindi ko in-expect na yayakapin niya ako. “Thank you, Lord! Thank you, Aga!” Nahihiyang tinapik ko ang likod ni Stephanie. “Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa inyo.” Lalong humigpit ang yakap ni Stephanie sa akin kaya bahagya kong hinagod ang likod niya. “Magiging maayos din ang lahat.” Naramdaman kong tumango-tango si Stephanie. Napangiti ako. Sa wakas ay matatapos na ang problema namin. Pagkata

