Three Years Ago Flashback: three months after her father took Stephanie. “Ate, kumain ka na,” pilit ni Mikaela sa akin. Kanina pa niya ako pinipilit na kumain ng agahan. I didn’t move an inch. Nakahiga ako sa kama ko patalikod sa kanya. Nakatalukbong din ang kumot sa buong katawan ko kaya hindi ko siya nakikita. I can feel her behind me, and I can smell the egg and bacon. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko noong pumasok siya pero wala akong lakas na kumain. Hindi ko na alam kung ilang araw na akong nandito. I don’t care. I feel so hurt right now. Parang biglang may nawala sa akin mula noong magkalayo kami ni Aga. Dad is telling me that it was Aga’s idea. Pero ayaw kong maniwala. Mayroong parte sa akin na nagsasabi na hindi kayang gawin iyon ni Aga. If he really wanted money from my fam

