Nanghihinang napaupo ako sa aking swivel chair noong makarating na ako sa office. Para akong nakipaghabulan dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko. I didn’t expect that Rosa will talk to me about Aga. I know her. Unang kita ko ng portfolio niya ay nakilala ko na siya agad. I tried to be civil, to be casual while we’re at the meeting. Kaso parang nanlalambot ako ngayon. Hindi ko na kasalan kung hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on si Aga? Eh hindi ko naman- Sumandal ako sa upuan ko at pumihit paharap sa salamin na dingding. Kitang-kita ko ang view ng Maynila mula rito. Kung tutuusin ay may kasalanan ko rin naman talaga. Iniwan ko siya nang hindi ako nagpapaalam. “f**k,” mahinang sabi ko at napabuntonghininga. “Sweetheart!” Natigil ang pag-iisip ko noong marinig ko ang boses n

