“Good morning, Lovelies! It’s seven in the morning and I just finished cooking our food for today. For our breakfast and lunch. Meron na ring snacks si baby Christian habang wala kami ni Daddy niya.” Napabuga ako ng hangin habang pinapanood si Rosa na mag-video. Bukod sa pagiging artista niya kasi ay naging vlogger na rin siya. Sa ganoong paraan niya sinabi na may relasyon kami kahit na wala naman at ayaw ko. Katabi ko si Christian na nakaupo na sa long chair nito. Kanina pa nagluto si Rosa para raw sa umagahan namin. Pero mag-aalas otso na lang ata ay hindi pa rin kami nakakakain. “Gutom ka na, Baby?” nakangiting sabi ko kay Christian. Nilaro-laro ko ang kanang kamay niya. “Do you want to eat now?” Pasimple akong tumingin kay Rosa. Napatingin din siya sa akin at nginitian lang ako. Nas

