“We should go home,” ani Stephanie habang naglalakad sa lobby ng mall. Nasa ground floor na kami sa may mga nagtitinda nang kung ano-anong mga gadgets.
Nilingon ko siya saglit habang tinutulak ang cart na punong-puno ng mga gamit niyang pinamili namin. Nagpipinta raw siya kaya namili rin kami ng mga pintura niya. Muli akong tumingin sa dinadaanan namin.
“Oo nga. Kasi hindi ko alam Paano tayo uuwe ngayon,” reklamo ko. “Napaka rami naman kasi nito. Parang wala ka nang balak umalis sa bahay ah?” aniko habang tinititigan ang cart. Halos humarang pa kasi sa tingin ko ang malaking stand ng canvas na binili niya. Paano niya kaya 'to pagkakasyahin sa kwarto ko?
“Edi we'll ride a- OMG!”
Napatigil ako at napatingin sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa harapan namin. Pagtingin ko sa tinitingnan niya, nakita ko yung kapatid niya. Malayo siya sa amin dahil papasok pa lang ito ulit sa mall. Pero masasalubong namin siya kapag magpatuloy kami sa paglalakad.
“Hindi niya ako pwedeng makita!” natatarantang sabi niya.
Pagtingin ko sa kanga ay panay ang lingon niya sa paligid. Bago pa man ako magsalita ay bigla na lamang siya lumapit sa stall ng nagtitinda ng ice coffee. May kalakihan iyon dahill sakop nito ang gitnang bahagi ng lobby.
“Hoy!” tawag ko sa kanya pero pumasok na lang siya bigla sa loob. Nagulat pa ang lalakeng bartender sa loob pero hindi rin siya nakapag-react dahil sa gulat.
“Just be quiet! I will kill you if she saw me!” banta niya at umupo sa ilalim.
Nagmamadali akong lumapit sa stall at sinilip siya. Nakasiksik siya sa ilalim ng counter. Nakatakip pa ang bibig niya na para bang maririnig talaga nang tinataguan niya.
“Miss hindi po kayo pwede riyan,” sabi ng bartender. Imbes na mahiya ay pinandilatan pa ito ni Stephanie.
“Shut up and I will pay you later!” mahina at mariin na sabi niya.
Napaawang ang bibig ng lalake. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ni Stephanie.
“Boss!” tawag ko sa bartender. Tumingin siya sa akin. “Sorry. Pagbigyan mo na. Saglit lang, promise.” Nangunot ang noo niya at muling tumingin kay Stephanie. Umiling-iling ito at lumapit na sa counter niya.
“Bilisan niyo. Kapag ako madamay sa kalokohan niyo sisingilin ko kayo,” ani ng bartender.
Napangiwi ako at sinilip si Stephanie. Nakatungo na siya ulit. Napailing na lang ako at umakto na para bang naghihintay ng order. Mabuti na lang at madaling makausap ang bartender at nakapagtago si Stephanie. Wala pa rin siyang sinasabi kung bakit niya tinataguan ang kapatid niya. Nakagawa nga ata talaga siya ng kasalanan. Tsk! Tapos sa amin magtatago?
Ilang sandali pa ay dumaan na sa akin ang kapatid ni Stephanie. Doon ko lang naalala kung sino siya dahil sa suot niyang damit. Nakapalda ito na abot hanggang talampakan at manipis na blusang may mahabang manggas. Malayong-malayo kay Stephanie na ilang beses ko na nasilipan. Napailing ako, hindi ko naman sinasadya 'yon eh. Hindi kasi siya maingat. Halata nga na kapatid niya ito dahil magkamukha sila. Mahaba lang ang buhok nito at bilugan ang mukha.
“I'm going to the restaurant. Just calm dow, okay?” narinig kong sabi niya. Para siyang nagmamadali na ewan. Ang bilis niya kasing maglakad. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa lumiko na ito at hindi na nakita.
“Wala na,” sabi ko. Agad na sumilip si Stephanie sa akin.
“Are you sure?”
“Oo nga. Umalis ka na riyan! Nakakahiya na kay Kuya, oh?”
Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Sinimangutan ko rin siya, para kasing ayaw niya pang maniwala sa akin. Iniikot niya ang mga mata niya at dahan-dahang tumayo habang nakatutok ang paningin sa pinanggalingan namin.
“Naninawala ka na?” tanong ko noong tuluyan na siyang tumayo. Inirapan niya kang ako at tumalikod sa akin.
Napailing na lang ako at tumalikod din. Sinandig ko ang likod ko kalahating tindahan ng coffee shop at tiningnan ang nilikuan ng kapatid ni Stephanie. Bakit kaya ayaw niyang magpakita sa kapatid niya eh pamilya naman niya 'yon? Si nanay nga kahit bente otso anyos na ako at lalake, kapag hindi ako umuwi ng isang gabi ay isang linggo akong bubungangaan. Kakaiba talaga mga mayayaman.
"Let's go."
Muli akong napatingin kay Stephanie pero wala na siya sa loob ng tindahan. Pagtingin ko sa may gilid ay nakita ko siyang nagmamadali sa paglalakad papalabas. Napailing na lang ulit ako at sumunod sa kanya. Kanda hirap pa ako sa pagtulak ng cart hanggang sa makarating kami sa labas. Noong makalabas na kami ay tiningnan niya pa ako nang masama.
"Ano?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Call a taxi."
Sinimangutan ko siya. Kung hindi lang talaga dahil kay nanay iniwan ko na siya. Nagtingin-tingin ako sa paligid. Noong makita ko ang isang taxi na nakaparada sa 'di kalayuan ay agad ko iyong kinampayan. Tumango sa akin ang matandang driver.
"Ayan na. Madaling-madali ka ah?" puna ko sa kanya.
Lalong nanulis ang nguso niya. "My sister shouldn't see me. Ayokong umuwe."
"Talaga," mahina kong sabi. Tumingin ako sa loob ng mall at napangisi. "Andyan na siya!" kunyari ay natatarantang sabi ko.
Agad na nanlaki ang mga mata ni Stephanie at lumapit sa akin. Imbes na matawa ay nagulat ako noong bigla siyang humarap sa akin at isinubsob ang mukha niya sa dibdib ko. Para namang maitatago ng mapayat kong katawan ang katawan niya.
"H-Hoy... ano bang ginagawa mo?"
"Where is she?! Nasaan na ba kasi ang taxi?!" aniya imbes na sagutin ang tanong ko.
Napalunok ako hinawakan siya sa braso. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang inilayo sa akin. "Binibiro ka lang."
"I hate you!" Pinandilatan niya ako at inis na tumalikod.
Napangisi na lang ako umiling. Bakit kapag ang mga babae sa amin ang nag-iinarte nakakainis tingnan? Pero kapag itong si Stephanie kahit na nakakainis pa rin ay ang cute niya. Masama ito.
Noong makalapit sa amin ang taxi ay agad na sumakay si Stephanie sa likuran. Ni hindi manlang ako tinulungan na magpasok ng mga pinamili namin. Mabuti na lang at tumulong sa akin si Manong drayber. Para kasing pinaninindigan ni Stephanie na gagawin niya akong alalay. Noong maipasok na namin lahat ng mga pinamili namin ay sakto naman na lumabas ang kapatid ni Stephanie mula sa mall. Nagmamadali pa rin ito na para bang may hinahanap.
"She's not here. Are you really sure that she's here? Hindi ugali ni ate na magpunta sa mga malls unless it's important."
Hindi muna ako agad pumasok at hinintay ang kapatid ni Stephanie. Tumigil pa kasi ito may tapat ng taxi kaya hindi ako makapasok sa loob. Mabuti na lang at tindted ang bintana at hindi kita si Stephanie. Ano kayang gagawin nito kung malaman niyang nasa harapan niya lang ang hinahanap niya?
Ilang sandali pa ay umalis na rin ito. Doon lang ako nakapasok sa loob ng taxi. Mukhang binabantayan din ni Stephanie ang kapatid niya. Kung ano man ang dahilan niya bakit ayaw niyang umuwe ay mukhang mabigat nga.