"Kuya pogi!" masiglang tawag ni Phil kay Paolo. "Hi, pogi. Kumus----" Hindi na naituloy pa ni Paolo ang iba pa sana niyang sasabihin nang makita ang bahagyang paghila ni Mia kay Phil palayo sa kanya. Ewan, pero parang nasaktan si Paolo sa ginawa ni Mia. Hindi kasi niya inaasahan ang "Tara na. Alis na tayo," baling niya kay Phil at agad naman itong napasunod at nang lalabas na sana sila ay bigla namang may text message siyang natanggap. Agad niya itong tiningnan at ganu'n na lamang ang pagkaawang ng mga labi niya nang isang picture pala ang ipinadala sa kanya. "Ate?" gulat niyang sambit na siyang dahilan upang makuha niya ang atensiyon ng lahat. Nanginginig ang kamay ni Mia habang pinagmamasdan niya ang picture ng kanyang kapatid na nakagapos ang mga paa at kamay habang nakaupo ito

