CHAPTER 13

1960 Words
“Birthday ang pupuntahan natin at hindi lamay kaya ngumiti ka naman diyan,” pagbibiro ni Mia sa kanyang kaibigan habang nagbabyahe sila papunta sa resort nina Irish ng mga sandaling ýon. Magbe-beach sila kasama ang ilan pang mga barkada ni Irish at isa na sila sa mga inanyayahan nito. “Ewan ko ba kahit na anong gawin ko ay hindi talaga ako kampante kapag kasama natin si Irish,” anito na siyang nagpangiti naman sa kanya. “Kung ano-ano kasi ang pinapanood mo kaya kung ano-ano na rin ang iniisip mo,” rason pa niya. “Ah, basta! Hindi ko talaga siya gusto,” giit pa nito. “Hayaan mo, makikilala mo rin siya at sinisiguro ko saýong iba siya sa mga inaakala mo,” engganyo pa niya sa kanyang kaibigan at wala namang nagawa si Liza dahil alam na niya na kahit anong gawin niya ay hindi na niya makukumbinse pa si Mia para layuan si Irish. Alam naman niyang alam na nito kung ano ang ginagawa nito. Isa pa, ayaw naman niyang mag-aaway sila nang dahil lang sa kanyang iniisip tungkol sa bagong kaibigan nito. Hiling lang din niya na sana nga ay mali ang kanyang mga iniisip tungkol kay Irish. Sana nga ay tama ang lahat ng iniisip ng kanyang kaibigan dito. Mag-a-alas singko na ng hapon ng nakarating silang dalawa sa resort na pagmamay-ari ng pamilya ni Irish ay agad sila nitong sinalubong ng makita sila nito. May iilang cottage na rin ang nandu’n at sadyang napakaganda ng resort na pagmamay-ari ng pamilya nito. Namangha tuloy si Mia sa kagandahan ng paligid na kanyang nakita nang dumating sila. Dumagdag pa ang malamyos at sariwang simoy ng hanging dumadampi sa kanyang pisngi at balat. Mas lalong gumanda ang dagat dahil sa sinag ng araw na papalubog na at para bang nag-iiwan ng matamis na halik sa tahimik ng dagat ng mga sandaling ýon. Malamang, napakasarap manirahan sa ganitong lugar. Malayo sa kabihasnan, malayo sa ingay at usok ng mga sasakyan. Malayo sa maiingay na kapaligiran na bunga ng mga taong walang ibang ginawa kundi ang pakialaman ang buhay ng ibang tao. Ganito ang paligid na gustong-gusto ni Mia. Simple lang pero masarap sa pakiramdam! “Hi, happy birthday,” bati ni Mia kay Irish sabay abot niya ng gift niyang dala at magiliw naman nitong tinanggap. “Birthday gift namin ni Liza ýan para saýo,” dagdag pa niya. Naka-bikini lang ito habang may sumbrerong suot-suot. “Thank you so much,” nakangiti nitong sabi sabay yakap sa kanya at nang yayakapin n asana nito si Liza ay agad naman itong umiwas kasabay ng pagtaas ng kanan nitong palad paharap kay Liza bilang pagtanggi kaya nahihiyang napangiti na lamang si Irish. “Hindi mo na ako kailangan pang yakapin. Thank you is enough,” agad nitong tanggi na siyang nagpangiti ng sapilitan kay Irish. Bahagya naman itong siniko ni Mia bilang pagsuway dahil bakit ba kailangan pa nitong ganu’n ang sasabihin nito. Kahit ngayon lang sana ay maging mabait ito dahil birthday naman nito. “Thank you, nag-abala pa talaga kayo,” anito habang nakatingin kay Mia at hindi nawawala ang sapilitang ngiting nasa gilid ng mga labi nito. “Halina kayo. My friends are waiting over there,” magiliw nitong sabi at saka na sila nito inaya papasok sa isang resthouse na nandu’n. Nagpatiuna sa paglalakad si Irish habang nakasunod naman ang magkakaibigan. “Bakit ba ganu’n ang ginawa mo sa kanya?” pabulong na tanong ni Mia sa kanyang kaibigan na wala pa rin sa mood. “Ayaw kong magpaka-plastic. Alam mo ýon,” tanging sagot nito saka mabilis itong napasunod kay Irish. Napailing na lamang siya saka niya inihakbang ang kanyang mga paa sa dierksiyon kung saan pumunta ang mga ito. Nang nasa loob na sila ay agad naman silang ipinakilala ni Irish sa iba pa nitong mga kakilalang naimbitahan nitong sumama at makisaya sa kaarawan nito ng mga sandaling ýon. “Mia, Liza!” Sabay na napatingin ang dalawa sa pinanggalingan ng boses ng lalaki nang tawagin silang dalawa. “Arvind? Mark?” tawag ni Liza sa mga ito. “Hi, nandito rin pala kayo,” nakangiting saad ni Mia sa mga ito na siya namang paglapit ni Irish sa kanilang apat. “I invited them dahil naging kaibigan ko naman sila,” masayang balita ni Irish, “Sayang nga lang, wala ang nobyo mo,” baling nito kay Mia na ang tinutukoy ay si Paolo. “Nasaan na nga ba si James, Mia?” tanong pa nito at napatingin naman ang lahat sa kanya habang si Liza naman ay lihim nang naiinis. Bakit ba kasi kailangan pang itanong ang taong naging dahilan ng ilang araw ng pagiging tulala ng kaibigan nito. “Pwede bang huwag na lang muna nating pag-usapan ang taong wala rito?” singit ni Arvind habang si Mia naman ay nanatiling tahimik habang bahagyang nakayuko. Bumalik ang sakit na nadarama nito nang iwan siya ni Paolo sa dahilang hindi naman niya alam. “Sorry, huh. Nagtataka lang talaga kasi ako,” paghihingi nito ng paumanhin. “Okay lang ýon. Alam ko naman na kahit sino ay magtataka talaga dahil sa biglaan niyang pagkawala,” mapait na tugon ni Mia habang pilit na ngumiti sa harapan ng mga ito kahit na masakit na para sa kanya. “Don’t you worry, we are here to make you happy,” masiglang bulalas nito saka siya nito hinila at binigyan ng isang bason a may lamang alak. “Let’s have a toss, guys!” sabi nito habang nakataas ang hawak nitong basong may alak. Kumuha naman ang lahat nang nandu’n ng sarili nitong ala saka kagaya ng ginawa ni Irish ay nagsitaasan ang mga kamay ng mga ito na may hawak ng alak. “Cheers!” sambit nito. “Cheers!” sigaw naman ng lahat at sabay-sabay na nilang nilagok ang alak na nasa basong hawak-hawak nila. “Happy birthday to Irish!” sigaw naman ng isa sa mga ito habang may alak pa ring hawak. “Happy birthday!” segunda ng iba saka muling tumungga ng alak mula sa basong hawak. Kahit napapangiti si Mia habang nakamasid siya sa mga ito. Ilang taon na siya sa ibabaw ng mundo pero ngayon pa lamang talaga niya naranasan ang ganitong party at sa ibang kaarawan pa. Hindi naman niya hinihiling ang bonggang selebrasyon para sa kaarawan niya dahil naiintindihan naman niya ang sitwasyon ng kanyang pamilya pero iba pa rin pala talaga ang ganitong okasyon. Masaya, nakakaaliw kasama ang mga barkada. At alam niyang hindi niya ito malilimutan kung sakali mang mangyari iyon sa kanya. Nang sumapit ang gabi ay nasa labas sila ng resthouse. Nakapalibot sila sa isang bonfire na sila lang din ang may gawa. Nakaupo silang nakapaikot sa bonfire habang nagkukwentuhan at nag-iinuman pagsapit ng halos maghahatinggabi ay nagsasayawan na ang mga ito at dahil na rin sat ama ng alak na nainom ni Mia ay napasayaw na rin siya kasama sina Liza. Lahat sila ay nagsasaya habang may mga baso ng alak na hawak-hawak ang kani-kanilang mga kamay. Parang wala na silang bukas kung magsaya. Wala na ring pakialam si Mia kung ano ang mangyayari sa kanya bukas, ang mahalaga ay mapagbigyan niya ang kanyang sarili ngayon. Gusto niyang magsaya, gusto niyang lunurin ang kanyang sarili sa alak hindi dahil kaarawan ni Irish kundi dahil para kahit papaano ay makalimot siya sa kanyang nobyong bigla na lang nang-ghost sa kanya ng halos isang buwan na. Masakit pa rin para sa kanya ang ginawa ni Paolo at hindi niya iyon matanggap. Bakit ba kasi ganu’n na lang kadali para sa kanyang nobyo ang iwan at tiisin siya sa kabila ng kanilang pinagmasahan. Minahal naman niya ito ng totoo pero bakit nagawa pa rin siya nitong iwan? Ibinigay niya ang sarili niya rito pero bakit parang hindi pa rin iyon naging sapat? Bakit kailangan pa rin nitong gawin sa kanya ang isang bagay na kinatatakutan niyang mangyari sa kanya kapag papasok siya sa isang relasyon? Bakit hindi na lang kagaya ng nobyo ng kanyang Ate Nayume ang naging nobyo niya? Gusto niyang umiyak ng mga sandaling ýon pero pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil kaarawan ni Irish ýon at ayaw naman niyang gumawa ng eksena. Ayaw niyang magkakagulo ang lahat nang dahil lang sa kanya. Dahil sa kalasingan ay pareho na silang wala sa sarili at nakatulog nang hindi alam kung ano ang nangyayari sa paligid. Kinabukasan, nagising si Mia na masakit ang kanyang ulo at halos hindi pa niya magawang ibuka ang kanyang ang mga mata dahil sa antok na antok pa rin siya. Dahil sa dami ng alak na kanyang nainom kagabi ay napahimbing ang kanyang pagkakatulog. Dahil sa sakit ng ulo na kanyang nadarama ay mas pinili niyang huwag munang bumangon para naman maipapahinga pa niya ang sarili pero laking pagtataka naman niya ng may biglang mabigat na brasong dumantay sa kanyang beywang. Iniisip niyang baka si Liza iyon pero nang madama ng kanyang paa ang mabalahibo nitong binti ay saka na napakunot ang kanyang noo dahil sa pagkakaalam niya ay hindi naman mabalahibo ang binti ng kanyang kaibigan. Napapiksi siya nang bigla itong umusod palapit sa kanya at napahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Kinakabahang napamulat siya ng kanyang mga mata at ganu’n na lang ang pagkaawang ng kanyang mga labi nang makitang hindi si Liza ang nasa tabi niya kundi si Mark, ang isa sa mga kaibigan ni Paolo! Mahimbing pa rin ang pagkakatulog ni Mark sa kanyang tabi habang nakatagilid itong nakaharap sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin niyang hubad ito at walang pangtaas na damit na suot kaya wala sa sariling tiningnan niya ang kanyang sarili sa loob ng kumot na nakatakip sa kanyang katawan at ganu’n na lamang ang kaba at takot na bumundol sa kanyang dibidb. Kagaya ni Mark, hubo’t-hubad din siya! Naitakip niya ang kanyang palad sa kanyang bibig sa sobrang pagkabigla at halos hindi siya makapagsalita. Walang boses na lumalabas sa kanyang bibig at hindi rin niya alam kung papaano niya iha-handle ang sitwasyon. “Ahhhhhhh!!” sa wakas ay sigaw niya sabay balikwas ng bangon na siyang nagpagising sa diwa ng lalaking nasa tabi niya ng mga sandaling ýon. “Mia?!” gulat nitong sambit sa kanyang pangalan. Nanlaki ang mga mat ani Mark nang makita ang kanilang sitwasyon. Napatingin ito sa sarili at nakita niya kung papaano ito nabigla sa nalaman na pareho silang hubo’t-hubad. “Anong nangyari? Bakit magkatabi tayo? Bakit nakahubad tayo?” sunod-sunod na tanong ni Mia kay Mark na kagaya niya ay wala ring naiintindihan sa mga nangyayari sa pagitan nilang dalawa. Sabay silang napatingin sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa iyon ni Irish. “What happened? Why are you shou---” Hindi na nagawa pang ituloy ni Irish ang iba pa sana nitong sasabihin ng makita sila nito na parehong nakaupo sa ibabaw ng iisang kama. “Anong nangyari?” usisa pa ng ibang kararting lang para makiusosyo at kagaya ni Irish ay natameme na rin ang mga ito. Dumating din sina Liza at Arvind at nakita niya kung papaano umawang ang mga labi ng dalawa ng makita silang dalawa ni Mark. Dahil sa kahihiyang nadarama ay wala siyang ibang nagawa kundi ang itakip na lang sa kanyang mukha ang kumot na siya ring takip sa hubad niyang katawan. “Mia?” Napalingon ang lahat sa bandang likuran ng mga ito nang marinig nila ang boses ng isang lalaki at agad namang tinanggal ni Mia ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha nang marinig niya ang boses na matagal-tagal na rin niyang hindi naririnig. At ganu’n na lang ang takot na kanyang nadarama ang tumambad sa kanyang harapan ang isang taong araw-araw niyang hinihintay na bumalik. Si Paolo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD