“Hindi ba siya kumuntak sa inyo para ipaalam kung nasaan na siya this time?” tanong ni Liza sa mga ito at halos magkasabay namang napailing ang dalawang lalaki bilang sagot sa naging tanong ng kanyang kaibigan.
“Kung may kukuntakin man siya para ipaalam kung nasaan siya ngayon, ýon ay ikaw Mia dahil alam naming isa ka sa mga mahahalagang tao sa buhay niya more than us,” saad ni Arvind.
May point din naman ito. Kung siya ng ana nobya ay hindi nagawang kuntakin ng ni Paolo para ipaalam kung nasaan na ito, ang mga kaibigan pa kaya nito?
“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Liza sa kanya nang nakita siya nitong nakaupo sa isang bench na nasa loob lang ng school campus at tahimik na pinagmamasdan ang ibang mga estudyanteng masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaklase nito.
Umupo sa kanyang tabi si Liza habang siya naman ay hindi natitinag sa kanyang kinauupuan at lihim na pinipigilan ang mga luha mula sa pagdaloy sa magkabila niyang pisngi.
“Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin para makuntak ko siya,” malungkot niyang sabi habang nasa unahan pa rin nakatuon ang kanyang mga mata.
“Baka, may nangyari lang kaya kinakailangan niya ang umalis kahit na hindi nagpapaalam saýo,” pagpapakalma sa kanya ni Liza.
Napayuko siya at napatingin siya sa hawak-hawak niyang phone habang nangingilid na sa gilid ng kanyang mga mata ang kanyang mga luha.
“Pero, ni hindi man lang niya ako nagawang i-text para naman mapalagay na ako.”
Napabuntong-hininga naman si Liza sa kanyang naging tanong. Kahit ito ay wala ring ideya kung bakit nga ba ni hindi man lang nagawa ni Paolo ang i-text ang kanyang kaibigan para naman hindi na ito mag-aalala pa.
“Babalik din siya, siguardo ako du’n,” pag-aalo niya sa kaibigan. Kinabig niya ito papunta sa kanyang dibdib at mapayapa namang napasandal si Mia sa kanya. Kahit papaano ay hindi nabibigatan ng labis si Mia dahil andiyan naman ang kanyang kaibigan na handa siyang dahilan at initindihin lalo na sa ganitong sitwasyon.
“Miss Buenavista?” tanong ng kanilang teacher kay Mia isang araw habang nagle-lecture ito sab ago nitong topic.
Napatingin naman ang lahat kay Mia pati na si Liza nang walang natanggap na tugon ang kanilang teacher mula rito.
“Miss Buenavista?” tawag ulit ng teacher sa kanya pero nanatili siyang nakatunganga dahil ang layo-layo ng kanyang iniisip. She is physically present but mentally absent.
Nag-aalalang pasimpleng hinawakan ni Liza ang braso ng kanyang kaibigan saka niya ito bahagyang niyugyog na siyang nagpabalik sa tamang huwesto nito.
“Bakit?” nagtatakang tanong nito kay kaibigan. Pasimple namang ininguso ni Liza ang direksiyon ng kanilang teacher at kunot-noo namang napatingin si Mia sa kanilang teacher na para bang naiinis na sa ipinakita niya.
“What is wrong with you? Do you have a problem? Do you know how many times did I call you?” tanong nito sa kanya at napahiya namang napatayo siya.
“I’m so sorry po. Hindi ko po napansin,” pagtatapat naman niya habang nakayuko.
“Miss Buenavista, if you don’t like my class, you are free to go out,” inis na saad nito saka nito inilahad ang nakabukas nitong palad sa direksiyon ng nakabukas na pintuan ng kanilang silid-aralan. Sa lahat ng teachers nila, ito pa naman talaga ang ibinabalitang terror sa lahat kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ganito ngayon ay naging trato sa kanya at isa pa, may mali rin naman siya kahit papaano.
Kung hindi sana niya hinayaang sakupin ni Paolo ang kanyang utak ay naging mentally active pa sana siya ng mga sandaling ýon.
“I’m so sorry po ulit, hindi na po mauulit,” paghihingi niya ng paumanhin saka siya umupo ulit at nagpapatuloy naman sa pagdi-discuss ang kanilang guro.
“Mia,” halos pabulong na tawag ni Liza sa kanyang pangalan ng nakaupo na siya. Nilingon niya ito saka siya ngumiti.
“Okay lang ako,” sabi niya saka niya agad na iniwas ang tingin at pilit na nag-fucos sa kanilang guro na nasa harapan habang sinisikap na ituro sa kanila ang mga bagay na kailangan nilang matutunan bago matapos ang araw na iyon.
Naaawang napatingin si Liza sa kanyang kaibigan dahil alam naman niya kung bakit ito nagkaganito. Talagang tinamaan ito kay Paolo at malalim ang naidulot nu’n sa kanyang kaibigan kaya hindi niya ito masisisi kung bakit ganito ito kaapektado.
Ang masakit naman para kay Liza ay wala siyang magawa tungkol sa bagay na ýon. Wala siyang ibang magagawa para sa kanyang kaibigan maliban sa awang kanyang nadarama.
“Wala ka pa rin bang balita sa kanya?” tanong ni Liza kay Mia habang nasa canteen silang dalawa. May pagkain naman sa harapan ng kanyang kaibigan pero halos hindi nito magalaw dahil sa nararamdaman nito.
“Wala pa rin,” mapait nitong sagot kasabay ng marahang pag-iling. Napatingin silang dalawa sa paparating na sina Mark at Arvind sa kanilang kinaroroonan. Inilapag ng mga ito ang kanya-kanya nitong dalang pagkain sa mesang ukupado nilang magkakaibigan saka ito nagsiupuan sa kanilang tabi.
“May balita na ba kayo sa kaibigan niyong mahilig mang-ghost?” tanong ni Liza sa mga ito bago ito sumubo ng pagkain mula sa sarili nitong tray.
“Wala pa rin and we can’t reach him out as well,” sabi naman ni Mark.
“We still have no idea kung nasaan na ba ang lalaking ýon at bigla na lang nawala,” segunda naman ni Arvind saka ito napatingin kay Mia na tahimik lamang habang nakayuko at nakatingin sa pagkain nito.
“Kilala namin ni James, alam naming hindi iyon basta-basta na lamang aalis kung walang mabigat na dahilan,” anito para lang kahit papaano ay mapagaan ang kalooban ni Mia.
“Sana nga, no?” ani Liza at nakita ni Mia ang pasimpleng pagsiko ni Arvind ang kanyang kaibigan para lang makisabay ito sa daloy ng usapan upang sa ganu’n ay magiging positive pa rin siya sa kabila ng mga nangyayari.
“Dito na tayo,” sabi ni Mark matapos siya nitong ihatid sa kanilang bahay. Agad siyang bumaba at nang tatanggalin na sana niya ang suot niyang helmet ay si Mark na ang kusang nagtanggal nu’n.
“Salamat,” aniya matapos tanggalin nitong ang helmet. “Ingat sa pag-uwi,” dagdag pa niya at nang tatalikod na sana siya rito para maglakad na papunta sa kanilang bahay ay agad naman itong nagsalita.
“Babalik din ýon, magtiwala ka lang,” anito at napangiti naman siya dahil kahit papaano ay may mga naging kaibigan din siyang handing gawin ang lahat mapagaan lang ang kanyang kalooban sa biglaang paggo-ghosting ng kanyang nobyo.
Matapos sabihin ni Mark ang mga katagang ýon ay agad din itong nagpaalam. May ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan niya papalayo ang kaibigan ng kanyang nobyo.
“Maghihintay pa rin ako dahil naniniwala akong babalik ka,” bulong ng kanyang isipan habang nakatitig siya sa kanyang phone kung nasaan ang nakangiting mukha ng kanyang nobyo nang gabing ýon sa labas ng kanilang bahay.
“Marami pa tayong mga pangarap na hindi pa natutupad at sabi mo, tutuparin natin ang mga iyon nang magkasama kaya alam kong babalik ka rin. Hindi ako magagalit saýo, hindi ako magtatampo saýo. Ang mahalaga ay ang makabalik ka sa piling ko,” madamdaming pahayag ng kanyang isipan habang pilit niyang pinipigilan ang kanyang sariling mga luha mula sa pagdaloy dahil baka bigla na lang lalabas ang kanyang ama at makikita siya nitong umiiyak.
Hindi siya sanay na makikita ng kanyang ama sa ganu’ng sitwasyon kaya hangga’t maaari ay pipilitin niyang huwag makitang umiyak. Isa pa, she’s too young para sabihing tinamaan nga siya sa isang lalaki at ang masama pa du’n ay naibigay na niya ang kanyang sarili rito.
Isa sa mga nagbibigay ng alinlangan sa kanya ay ang katotohanang ýon. Papaano na lang at magbunga ang lahat at hindi pa bumabalik si Paolo? Papaano kung hindi na nga siya nito babalikan? Ano na ang magiging buhay niya pagkatapos ng lahat? Ano ang magiging mukhang ihaharap niya sa kanyang ama at kapatid? Papaano na siya?
Mga katanungang ngayon pa lamang sumagi sa kanyang isipan. Mga katanungang dapat noon pa man ay naitanong na niya sa kanyang sarili bago pa niya ipinagkaloob ang kanyang sarili kay Paolo pero kahit na ganu’n, wala siyang pinagsisihan dahil alam naman niyang mahal niya si Paolo at mahal din siya nito. Alam niyang hindi siya nito iiwan habang-buhay at ang pagmamahal na inilahad nito sa kanya ang kanyang panghahawakan upang maging positibo sa buhay, upang maging positibong babalikan siya nito upang ituloy ang kanilang pagmamahalan.
“Namiss ko na siya,” maluha-luhang saad ng kanyang isipan habang nakatingala siya sa mga nagkikislapang mga bituin ng mga sandaling ýon. “Kailan ba siya babalik?” tanong niya sa mga inosenteng bituin. Wala siyang ibang masasabihan tungkol sa kanyang nararamdaman kaya mas minabuti na lamang niyang itanong sa mga bituin ang lahat kahit na alam naman niyang wala siyang kasagutang makukuha mula sa mga ito.
Halos araw-araw niyang binabalikan ang mga lugar kung saan siya madalas dalhin noon ni Paolo, inaalala niya ang masasaya nilang nakaraan na hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa rin mawawala sa kanyang isipan. Kahit na halos mag-iisang buwan na magmula nang mawala ang nobyo. Hanggang sa mga sandaling ýon ay wala pa rin siyang alam, wala pa rin siyang ideya kung nasaan na nga ito at kung bakit ito biglang nawala.
Hinihiling niya na sa panaginip na lamang ang lahat pero kahit na anong gawin niya ay pilit pa rin talagang sumisiksik sa kanyang isipan ang buong katotohanan. Katotohanan na wala nga si Paolo sa kanyang piling at kahit na ilang beses na niyang tinawagan ang phone number nito ay hindi pa rin talaga niya makuntak. Pati ang mga kaibigan nito ay wala pa ring alam kung nasaan na ito. Ganito nga ba ang ibang kalalakihan? Pagkatapos kang angkinin at pagsawaan ay bigla-bigla na lamang nawawala na parang bula?
Ganito ba talaga sila? Itatapon ka na lang kapag sa oras na nakuha na ng mga ito ang gusto saýo? Itatapon na parang basahan at kung saan-saaan na maaaring pupulutin? Akala ba niya ay ibang-iba ang magiging love story niya sa mga napapanood niya pero mukhang walang kaibahan din naman pala.
Unti-unti na siyang nakaramdam ng pagsisisi kung bakit nagpadala siya sa t***k ng kanyang puso at hindi siya kailanman nakinig sa isinisigaw ng kanyang isipan. Pero, wala na siyang magagawa pa dahil nangyari na ang hindi dapat nangyari.
“Birthday ko bukas, sana pupunta kayo,” sabi ni Irish sa kanya isang araw habang sabay silang naglalakad sa labas ng school kasama si Liza.
“Talaga? Advance happy birthday nga pala,” magiliw niyang sabi habang si Liza naman ay nanatili lamang na tahimik habang nasa tabi nila.
“Aasahan ko ang pagdalo niyo,” sabi pa nito nang huminto na sila sa paglalakad dahil mag-iiba na ng daan si Irish dahil iba naman ang daan papunta sa room nito.
“Makakaasa ka,” sabi naman niya at napatingin silang dalawa kay Liza na wala pa ring imik kaya nagtatakang napatingin si Liza sa kanila.
“Sana, makakapunta ka rin, Liza,” baling nito sa kanyang kaibigan. Napatingin si Liza sa kanya at nakita nito ang pasimple niyang pagsenyas na umo-o na lang para naman hindi ito mapahiya at wala namang nagawa ang kaibigan kundi ang sundin siya.
“Huwag kang mag-aalala, makakapunta kami bukas,” mukhang napipilitan nitong sagot pero kahit na ganu’n ay napangiti naman si Irish.
“Sige, kita na lang tayo bukas,” anito saka tuluyang umalis sa kanilang harapan para pumasok na sa silid-aralan nito.
Napailing si Liza nang tumingin ito kay Mia at alam naman ni Mia kung bakit. Ayaw kasi nito kay Irish dahil wala itong tiwala rito. Hindi rin niya alam kung bakit ganu’n ang nararamdaman ni Liza kay Irish gayong mabait naman talaga ito sa kanila lalo na sa kanya.