Kinagabihan ay nakatutok pa rin si Mia sa kanyang phone sa pagbabasakaling tatawag sa kanya ang nobyo pero ilang oras na siyang nakatitig sa kanyang phone ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag o text man lang mula rito.
Tulog na ang kanyang kapatid sa kanyang tabi pero heto siya, nanatiling gising at umaasa n asana ay tatawagan siya ni Paolo.
Muli niya itong tinawagan sap ag-aakalang makuntak na niya ito pero ganu’n pa rin. Out of coverage ito na siyang lalong nagpapalala sa masamang agam-agam niya para rito.
Nasaan ka na? muli niyang text dito at talagang naghintay pa siya ng ilang saglit dahil baka sasagot na ito pero nabigo lamang siya. Nakatulog na lamang siya sa kanyang paghihintay ka Paolo pero wala pa rin siyang balita tungkol dito.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at ang unang hinagilap ng kanyang mga mata at kamay ay ang kanyang phone at laking ngiti niya ng may nakita siyang nag-iisang message at nang buksan niya iyon para basahin ay bigla namang nawala sa kanyang mga labi ang ngiti nang makitang si Liza lang pala ang nag-text sa kanya.
You owe me an explanation yesterday.
Nabasa niyang message nito. Hindi na siya nakapag-explain dito kagabi dahil nandu’n naman sa kanilang harapan ang kanyang ama at kapatid kaya hindi na niya nagawa pang ikwento ang nangyari sa kanya, ang dahilan kung bakit hindi siya nakauwi noong nakaraang gabi.
“Bumangon ka na riyan dahil sasama tayo kay Papa pupunta ng sakahan,” sabi ng kapapasok lang na si Nayume at nakaligo na ito. May tuwalya pa itong pinilipit sa buhok nito habang siya naman ay nanatili pang nakahilata, naghihintay sa isang taong hindi na niya alam kung nasaan na ito at kung ano na nga ba ang nangyari rito pagkatapos siya nitong iwan ng gabing ýon.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa kanilang higaan saka niya pinagmasdan ang kanyang kapatid habang naghahanap ito ng masusuot sa loob ng kanilang cabinet.
“Ate?”
Napabaling ng tingin sa kanya si Nayume habang siya naman ay hindi na alam kung papaano nga ba itatanong sa kapatid ang nasa isipan niya ng mga sandaling ýon.
“Bakit? May sasabihin ka ba?” tanong nito sa kanya at nang ibubuka n asana niya ang kanyang bibig ay bigla namang nasumid ang kanyang dila kaya hindi na niya nagawa pang isa-boses ang anumang gumugulo ngayon sa kanyang isipan.
“Lalo kang gumaganda sa bawat araw na lumilipas. How to be you po, ate?” mga katagang nabanggit niya na kasalungat naman sa kung ano ang nasa puso niya.
“Ang aga-aga binubola mo naman ako. Bumaba ka na diyan para makapag-ayos na dahil aalis na tayo pagkatapos nating mag-almusal,” anito na agad naman niyang sinunod.
Nang naglalakad siya palabas ng kanilang kwarto ay napasunod naman ang mga mata ni Nayume sa kapatid. Ramdam niyang may gumugulo sa isipan nito pero ang ipinagtataka lang niya ay kung bakit hindi nito magawang sabihin sa kanya gayong open naman silang dalawa sa isa’t-isa.
Napailing na lamang siya. Alam niyang darating ang point na magsasabi rin naman sa kanya si Mia at hihintayin na lamang niyang mangyari ýon dahil alam niyang may dahilan kung bakit nag-aalinlangan ito.
Nang nasa sakahan na sila ay abala sila sa pagtulong sa kanilang ama sa pagbubungkal ng lupa para taniman nila ng kape habang may iba naman itong tauhang kinuha para naman mas mapabilis ang pagtatrabaho.
“Mas Mabuti pang sa kubo na lang kayo, paghanda niyo na lang kami ng miryenda,” sabi ni Leon sa dalawa niyang anak na abala rin sa pagtulong sa kanya.
“Maya-maya ho, pa. Maghahanda na kami ni Mia,” sagot naman ni Nayume saka nito ipinagpatuloy ang ginagawa sa tulong na rin ng kapatid nitong si Mia.
“Baka masira ang beauty niyo ýan,” pabirong saad ni Mang Pedring habang nakatingin ito sa dalawa.
“Sira na ho ang beauty namin, Mang Pedring kaya wala na ho kaming dapat pang ikabahala,” pabiro ring sagot ni Nayume habang si Mia naman ay nanatiling tahimik dahil sa totoo lang luting na luting siya ng mga sandaling ýon sa pag-iisip tungkol kay Paolo.
“Ang swerte mo talaga sa mga anak mo. Hindi mo na kailangan pang utusan dahil kusa nang kikilos. Hindi kagaya ng mga anak ko, lalabas muna ang mga litid namin sa leeg bago makinig sa inuutos,” baling ni Mang Pedring kay Leon na siya namang ikinangiti ng ginoo.
Matapos sabihin ni Mang Pedring ang mga katagang ýon ay umalis na ito sa kanyang tabi at bumalik na ito sa trabaho nito habang siya naman ay nanatiling nakatayo sa kanyang kinaroroonan habang nanatili siyang nakamasid sa kanyang mga anak.
Tama nga talaga si Mang Pedring, ang swerte nga niya sa kanyang mga anak. Magaganda na ang mga ito, may mataas na pangarap at mabait pa. Sinusunod ang lahat ng kanyang gusto dahil alam din naman ng mga ito na para iyon sa kanilang magandang kinabukasan.
“Kanina pa kita napapansin. Tulala ka, may problema ba?” tanong ni Nayume sa kanyang kapatid habang nagpapahinga na sila matapos silang mananghalian.
Natanaw niya itong nakamasid sa kapaligiran pero mukha namang malayo ang iniisip ng mga sandaling ýon. Napangiti ito saka siya umupo sa tabi nito.
“Marami lang akong iniisip, ate,” sagot naman nito.
“Gaya ng?” pangungulit pa niya.
Sandaling natahimik ang kanyang kapatid kaya sigurado na siyang may mas malalim pa talagang gumugulo sa isipan nito pero hindi lang nito kayang isatinig.
“Alam mo, hindi mababawasan ang dami ng iniisip mo kung hindi ka naman marunong mag-share.” Idinaan na lamang niya sa biro para naman kahit papaano ay mapagaan niya ang kalooban nito kung ano man ang gumugulo sa isipan nito.
“Ate, paano mo nasabing mahal ka talaga ni Kuya Roniel? Paano mo nasabi sa sarili mong siya na talaga ang lalaking inilaan para saýo?”
Napatingin siya sa unahan habang si Mia naman ay nanatiling nakatingin sa kanya at naghihintay sa magiging sagot niya.
“Mahal niya ako at mahal niya rin ako. He respects me and I respect him, too,” sagot niya.
“And there’s a spark between you two?” seryoso nitong tanong sa kanya.
“Hindi porke’t may spark kasi kung minsan ang spark na nararamdaman mo ngayon para sa kanya, pagdaan ng araw ay kukupas din iyon at mawawala,” pahayag niya na siyang nagpatahimik sa kanyang kapatid.
“Ibig bang sabihin, hindi rin assurance na mahal ka nga ng isang tao kahit na sinabi na niyang mahal ka niya?” tanong nito habang pilit na iniiwas mula sa kanya ang paningin nito. Para bang may ayaw itong mababasa sa mga mata nito kaya halos hindi na ito makatingin ng diretso sa kanya.
“Hindi porke’t sinabi niyang mahal ka niya, maniniwala ka na. May mga bagay kasi na kung minsan mas madaling sabihin kahit na hindi naman talaga iyon ang totoo nating nararamdaman para sa isang tao. Respeto at pag-iintindi sa bawat isa ang kailangan dahil kapag magagawa ka niyang respituhin at intindihin kahit na sa mahirap na sitwasyon, nagpapatunay lang na mahal ka niya talaga.”
Binalingan ng tingin ni Nayume ang kanyang kapatid na nanatili pa ring nakayuko at hindi siya magawang tingnan.
“May nagsabi na ba saýong mahal ka?”
Nag-angat ng mukha si Mia saka siya napatingin ng diretso sa mga mata ng kanyang kapatid na para bang naghahanap ng karamay para sa kanyang puso na unti-unting nasasaktan dahil sa mga narinig niya mula rito.
Marahan siyang napatango habang may mapait na ngiti sa kanyang mga labi.
“Sabi niya mahal niya ako pero bigla na lang siyang nawala at hindi ko na mahagilap,” pagtatapat nito sa kanya.
“Eh, malay mo, may pinuntahan lang siya.”
“Pero, kailangan pa bang patayin niya ang phone niya? Bakit hindi man lang niya ako magawang i-text para naman malaman ko kung ano na ang nangyari sa kanya?”
Napaisip na rin si Nayume sa naging pahayag ng kanyang kapatid pero agad din naman niyang iniwaglit iyon sa kanyang isipan.
“Masyado ka pang bata para isipin mo ang mga ganyang bagay. Hayaan mo, babalik din ýon. Maghintay ka lang,” nakangiti niyang saad at napangiti naman si Mia.
Napasandal ito sa kanyang balikat habang bahagyang nakayakap dito ang kanyang braso.
Nang sumapit ang weekdays ay talagang inagahan ni Mia ang pumasok sa school sa pagbabasakaling makikita niya si Paolo pero hindi iyon nangyari.
“You forgot to tell me why you didn’t go home that night,” saad ni Liza nang makita siya nitong nakaupo sa isang staircase ng school. Umupo ito sa kanyang tabi habang hinahayaan lang nito ang iba pang estudyanteng dumadaan.
“Hoy!” pasinghal na sabi ni Liza sabay tapik sa kanyang balikat nang wala itong natanggap na tugon mula sa kanya dahil talagang lumilipad ang kanyang isipan sa taong hindi naman niya alam kung iniisip at inaalala rin ba siya nito.
“Huh? B-bakit?” wala sa sariling tanong niya at napakunot naman ang noo ni Liza saa kanya. First time nitong makita siya sa ganu’ng kalagayan kaya hindi na questionable kung bakit nagtataka ngayon ang kanyang kaibigan sa kanya.
“Ano bang nangyayari saýo? Okay ka lang ba? May nangyari bang hindi ko alam na dapat kong malaman?” sunod-sunod nitong tanong sa kanya.
“Hindi ko na makuntak si James magmula pa noong umagang hindi ako nakauwi sa amin,” pagtatapat niya rito na siyang nagpakunot lalo sa noo ng kanyang kaibigan. “Magmula pa nu’n, hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya at kung nasaan na siya ngayon,” dagdag pa niya sa mangiyak-ngiyak na boses.
Ganito nga siguro kapag nagmahal ng lubos sa isang lalaki lalo na kung pati ang sarili ay naibigay na rito.
“Wala ba siyang sinabi saýo bago siya umalis?”
Marahan siyang umiling, “Wala na siya nang nagising ako kinabukasan,” pagtatapat niya habang pilit niyang pinipigilan ang mga luha.
Tumayo si Liza saka siya nito bahagyang hinila sa kanyang kamay.
“Halika, tatanungin natin ang mga kaibigan niya dahil sigurado akong may alam sila,” aya nito pero agad naman niyang pinigilan.
“Huwag na. Baka kung ano pa ang iiisipin nila sa akin,” aniya pero hindi naman nakinig sa kanya si Liza.
“Hindi pwedeng ganito ka na lang. Mas mabuting may alam tayo para naman, aware ka na kung ano ang dapat mong gagawin.”
Hinila siya nito patayo at wala na siyang nagawa kundi ang sundin na lamang ito. Nais din naman kasi niyang malaman kung nasaan na ang kanyang nobyo at kung bakit nagawa siya nitong tiisin sa loob ng ilang araw.
Abala sa paglalaro ang barkada ni Paolo ng basket sa court nang puntahan nila ang mga ito. Nang makita silang dalawa nina Mark at Arvind ay napahinto ang mga ito sa paglalaro at lumapit ito sa kanila.
“Bakit kayo nandito? May kailangan ba kayo?” tanong ni Arvind nang nasa harapan na nila ito.
“Where is James?” tanong ni Liza.
Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan sa naging tanong ni Liza na siyang ikinataka ng dalawa.
“I thought, you know where he is,” saad ni Arvind na siyang lalong ikinataka ng dalawa lalo na ni Mia.
“You were with him that night, right?” tanong naman ni Mark at marahan namang napatango si Mia bilang sagot.
“But after that night, I have no idea about his whereabouts,” pagtatapat naman niya na siyang nagbigay naman ng pagtataka sa dalawang lalaking kausap nila.
Muling bumangon sa dibdib ni Mia ang masamang agam-agam para sa nobyo. Tama nga kaya ang lahat ng nasa kanyang isipan? Maihahantulad kaya sa nagiging buhay ng mga babae sa napanood niyang drama na pagkatapos gamitin ng lalaking minamahal ay basta-basta na lang iiwan?