Samantalang napatigil naman sa paglalakad si Mia palapit sa kinaroroonan ng kanyang ate nang marinig niya ang mahihina nitong paghikbi ng gabing ‘yon. Dahan-dahan niyang itinulak ang doorknob at saka bumulaga sa kanyang harapan ang kanyang kapatid na umiiyak habang pinipilit ang sariling pigilan ang paghikbi. Nakaupo ito sa sahig habang nakasandal ang likuran sa may sementadong wall ng banyo. Nag-aalalang agad niya itong nilapitan upang makausap kung ano nga ba ang nangyayari rito at kung bakit ito umiiyak. "Ate?" Agad pinahiran ni Nayume ang kanyang mga luha nang hindi niya inaasahang makita niya ang kanyang kapatid na nasa harapan na niya ngayon at nakatingin sa kanya. "B-bakit ka n-nandito? M-may k-kailangan ka ba?" nauutal niyang tanong sa kanyang kapatid kasabay ng kanyang pa

