Gaya ng nakagawian ko ay maaga akong nagising hindi lamang para mag-jogging kundi para bumili ng diyaryo. Mabilis talagang makasagap ng impormasyon ang mga reporter dahil umagang-umaga ay headlines kaagad ng iba't ibang diyaryo ang ginawang pag-assassinate ni Silent Assassin sa isa umanong huwarang doktor. Huwarang doktor? Napaismid ako sa nabasa kong pagkakakilala ng mga tao sa doktor na pinatay ko kagabi. Huwarang doktor pala ang pagkakakilala nila sa taong iyon. Walang kaalam-alam ang mga tao na isa palang tao na halang ang kaluluwa ang tinatawag nilang huwarang doktor. Dahil sa pagpatay ko kay Dr. Kevin Guzman ay nagkaroon ng iba't ibang opinyon ang mga tao. Sabi ng iba ay walang puso si Silent Assassin at kahit inosenteng tao ay pinapatay na niya ngayon. May nagsabi naman na dapat

