Katulad ng hula ko ay nagwala nga ang ama ni Juni matapos nitong malaman na namatay ang anak nito habang inililigtas namin. Lahat kami ay pinagmumura nang ipatawag kaming lahat na kasama sa rescue operation. "Ang dami ninyo na mga skilled assassin pero hindi ninyo nagawang mailigtas ang aking anak! Mga inutil! Mga walang silbi!" galit na galit na sigaw sa amin ng ama ni Juni na si William Jung. Isa itong businessman na half-Korean-half-Filipino. Isa sa mga matataas na miyembro ng BAS si Mr. Jung at sa unang pagkakataon ay nagpakita siya sa amin ng kanyang mukha. Sa limang matataas na members ng BAS ay tanging si Ninong lamang ang kilala namin ng personal ngunit hindi na ngayon. Dahil sa sobrang galit ni Mr. William Jung sa failed mission namin na mailigtas ng buhay ang anak nito ay hindi

