Pagkatapos ng nangyaring meeting namin sa opisina ni Ninong ay hindi na muna ako nagpunta sa BAS headquarters. Balak kong bisitahin si Mr. Jung ngunit hindi ko muna itinuloy ang aking plano. Tiyak na nakahanda ito ngayon dahil iisipin nito na agad ko siyang pupuntahan para muling tanungin tungkol sa nangyari 6 years ago. Ngunit hahayaan ko munang ibaba niya ang depensa niya laban sa akin. Gusto kong isipin muna niya na natatakot akong puntahan siya sa bahay niya dahil maraming mga tauhan niya ang nagkalat sa loob at labas ng bahay niya. Uunahin ko na muna ang dalawang tao na kailangan pang magbayad sa akin. Sina Doctor Carla Guinto at Roberto Soriano. Gaya ng nakagawian ko kapag may taong iaassassinate ako ay overall na damit na kulay black at bonnet ang suot ko ngayon. Ngayong gabi ko pa

