Chapter 8

1536 Words
"Good afternoon, Ma'am," bati sa akin ng guard pagpasok ko sa BAS buidling. Ninong Eddie called me again. I guess, he will give me another mission. Pabor iyan sa akin. This will be my fifth mission. And I only need five people to assassinates so I could finally speaks with the BAS leader. Gustong-gusto ko nang makausap ang pinaka-head ng BAS para makapaghiganti na ako sa mga taong pumatay sa pamilya ko. At kapag nabigyan ko na ng justice ang kanilang pagkamatay ay magre-resign na ako bilang assassin at maninirahan na lamang sa malayong probinsiya. "Good afternoon," tugon ko sa kanya pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na akong umakyat sa office ng BAS. Pasalamat ako na hindi ko nakasalubong si Henry. May mission kasi ito kaya wala dito ngayon. Akmang kakatok na ako sa pintuan ng office ni Ninong Eddie nang biglang may nagsalita sa likuran ko na walang iba kundi si Ninong pala na mula sa labas ng opisina nito. "Come in, Shanra," sabi niya sa akin. Pinauna ko muna siyang makapasok sa loob ng opisina bago ako sumunod sa kanya. "Another mission for me, Ninong?" tanong ko agad hindi pa man ako nakakaupo sa upuan. I cross my legs as I sit down in the visitor's seat. "Chill ka lang, Shanra. Relax ka lang muna diyan sa kinauupuan mo. Mag-kuwentuhan muna tayo. Matagal na rin tayong hindi nakakapag-usap ng mga personal na bagay. Kapag nagpupunta ka rito is only to received the mission. Hindi na tuloy kita nakukumusta. The other night, you left me at the party kaya hindi rin tayo masyadong nakapag-usap. Puwede bang huwag puro mission ang isipin mo? Isipin mo ang iyong love life. Humanap ka ng boyfriend para naman may iba kang pinagkakaabalahan aside from waiting to have another mission," ang mahabang sermon sa akin ni Ninong Eddie. He became my second father after my father died. He raised me so I let him scolded me sometimes. I took a deep breath bago ako nagsalita. "Ninong, you know that I don't have a time for that so-called love life. And I only have one reason to live and that is to kill the person who ordered to assassinates my family and give justice for their death. Wala akong ibang goal kundi ang makapaghiganti so please, stop urging me to have a boyfriend." Kapag nakakapag-usap kami ng sarilinan ay hindi maaaring hindi niya mabanggit ang tungkol sa boyfriend thing na iyan. I don't like it when he is urging me to find a boyfriend. And besides, I'm only twenty-one years old. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ipinagpipilitan na magkaroon ako ng boyfriend. Alam naman niya kung ano talaga ang goal ko in life. Ninong Eddie stared at me for a few minutes before he speaks with me again. "I just want you to enjoy your life, Shanra. And I'm sorry kung nakukulutan ka na sa akin at iniisip mong nakikialam ako sa buhay mo. You know that I treats you as my daughter that's why I want only the best for you." Medyo lumambot ang aking matigas na puso nang marinig ko ang sinabi ni Ninong. He has no family that's why he treated me as his own daughter. At sa pagkakaalam ko ay may babaeng minahal siya ngunit hindi siya ang pinili kundi ibang lalaki. Sobrang nasaktan ito sa ginawa ng babae kaya isinarado nito ang puso at hindi na muling nagmahal pa ng ibang babae. And because I was an orphan, kaya mas lalong napalapit ang loob ko sa kanya at itinuring ko siya na parang pangalawa kong ama. "I'm sorry, Ninong. I know that you cared for me and really appreciates it but you know that I only have one goal that I want to achieve. Pagkatapos kong mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng aking pamilya ay baka isipin kong lumagay na rin sa tahimik at gustuhin kong maranasan na magkaroon ng sarili kong pamilya," sabi ko sa kanya aa seryosong tinig. He knows that I am stubborn kaya hindi na niya ipagpipilitan pa ang anumang nais nais niyang mangyari. "Okay fine. I lost to you again. Hindi talaga ako mananalo sa'yo pagdating sa bagay na iyan," napapailing ay may pagsuko sa boses na sabi na lamang ni Ninong sa akin. Pagkatapos ay inilagay niya sa harapan ko ang puting folder. "Your new mission. Kung kailangan mo ng backup ay magsabi ka lamang. I will send our BAS men to assist you." Kinuha ko ang folder at binuksan. "Alejandro Alegri," bigkas ko sa pangalan ng bago kong target. "A famous human trafficker. But because the police has no solid evidence that could prove this man's illegal activities that's why he always got away from the case. If my guess is right, the person who is willing to pay just to kill this man was inside the PNP, right Ninong?" "You are really smart, Shanra. But you know that I can't disclose the details of our clients to any third person, right?" balik-tanong niya sa akin. Tumaas lamang ang kilay sa kanyang sagot sa tanong ko. Ngunit base sa sagot niya ay nahuhulaan kong tama ang hinala ko ang nagbayad ng malaki para ipapatay ang si Alegri ay nasa loob mismo ng PNP. Because Alegri was the pain in the neck to the PNP. Anyway, wala naman akong pakialam kahit na malaman ko pa kung sino ang taong nagpapaligpit sa bago kong target. Salot din naman sa lipunan ang Alegri na ito so I will not regret and hesitates to kill him. "I have to go, Ninong. Pag-aaralan ko pa ang bagong mission ko at pag-iisipan ang mga hakbang na dapat kong gawin on how I could assassinates him," paalam ko pagkatapos ay tumayo na ako at binitbit ang folder. "Alright, you can go. I will wait for the good news again," nakangiting sabi niya sa akin na sinagot ko lamang ng tango bago ako lumabas sa opisina niya. Bago ako tuluyang umalis ay dumaan muna ako sa clinic ni Tom para kumuha ng lason. Mauubos na ang aking mga karayom na may lason so I need poisin to soak my needles. Wala si Tom sa clinic nito at ang assistant lamang nito ang nag-assist sa akin. Maybe he was still in his mission. Hindi lang ako nagtagal sa clinic-slashed-laboratory ni Tom. Bitbit ang isang makapal na paper bag na naglalaman ng kailangan ko ay lumabas na ako sa clinic at bumaba sa building. Papalabas na ako sa building nang marinig ko ang boses ng isang babae na kahit isang beses ko lamang narinig ay tila naging pamilyar na sa akin. "Look who is here. I never thought that you can afford to come in this kind of expensive coffeeshop," nang-iinsulto ang ngising tinapunan niya ako ng tingin. Kung sino pa ang taong ayaw kong makita ay siya pang nakita ko ngayong araw. Ganoon ba talaga iyon? Kung sino ang taong ayaw mong makita ang siya mong makikita? Ang malas ko talaga at nakasalubong ko pa ang Veron na ito. "Who is she?" maarteng tanong naman ng babaeng kasama ni Veron na tinaasan pa ako ng kilay. Bunutin ko kaya ang kilay niya para mapanot siya? Let us see if she can still raise her eyebrows on me. "A cheap woman who wants to raise her status through a ladder," sagot ni Veron sa kasama nito pagkatapos ay binigyan naman ako ng nakaka-insultong ngiti. "Mabuti at hindi ka kinaladkad ng guard palabas sa building na ito." Akmang magsasalita na ang guard para siguro ipagtanggol ako ngunit mabilis kong naitaas ang kamay ko para pigilan siyang magsalita pagkatapos ay nilapitan ko si Veron na nakangisi pa rin sa akin. "Kaya ko rin pumasok sa loob ng bahay. mo if you dare me sa ganitong lugar pa kaya? And if you think that I am a woman who wants to raise my status through a ladder, then how about you? A woman leech na kahit pilit inaalis ay sobrang makapit pa rin sa balat?" Nagdilim ang mukha ni Veron kasabay ng panlilisik ng kanyang mga mata nang marinig ang nakakainsultong sagot ko sa sinabi niya sa akin. Hinila niya ang isa akong braso at mahigpit na hinawakan. "Huwag mo akong banggain, woman. You don't know what I'm capable of. You don't know me." Hinawakan ko ng mahigpit ang pulsuhan ng kamay niyang humahawak sa akin at halos bumaon na ang kuko ko sa balat ngunit hindi siya nagpahalatang nasaaaktan so I wanted to gives her a hundered percent ratings when it comes to acting. Magaling nga siyang umakto. No wonder marami siyang projects kahit na masama ang ugali niya. It's because she is a good actress. At nagi-enjoy akong makita na itinatago niya sa kasama niya ang sakit na kanyang nararamdaman dahil sa mahigpit kong pagkakahawak sa kanyang kamay habang dahan-dahang inaalis ko ang kamay niya sa aking braso. "You also don't know what I'm capable of. You don't know me either," panggagaya ko sa sinabi niya sa akin pati na rin ang tono ng kanyang boses. Pagkatapos ay basta ko na lamang siyang iniwan at tinalikuran. Tiyak ako na nagpupuyos ngayon ang kanyang kalooban sa sobrang galit sa akin. Huwag niya akong subukan at baka i-assassinate ko siya ng libre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD