Chapter 9

1723 Words
Hindi ko mapigilang mapa-ismid habang pinapanuod si Alejandro Alegri na maganda ang pagkakangiti at tuwang-tuwa habang kalaro ang mga sa loob ng bahay ampunan. Masayang-masaya siya hindi dahil kalaro niya ang mga bata kundi dahil marami na naman siyang maki-kidnap na mga bata. Pangatlong araw ko sa pagsubaybay sa taong ito ngunit hindi ako makahanap ng chance para patayin siya. Lagi kasing mga bata ang kasama niya kaya kung lalapit ako para maturukan siya ng aking karayom na may lason ay mahahalata ng mga bodyguard niya ang kilos ko. Hindi pa man ako nakakalapit kay Alegri ay maaalerto ko na ang mga guard niya. Ngunit hindi ako naniniwala na sa araw-araw na pagsunod-sunod ko sa kanya ay hindi ako makakahanap ng chance to assassinate him. Pagkatapos makipaglaro ni Alegri sa mga bata ay lumapit siya sa isang babae na nakatingin sa kanila at sa tingin ko ay isa sa mga head ng orphanage ang babae. Inabutan ito ni Alegri ng isang sobre na sigurado akong pera ang laman. Nagbibigay kasi siya ng tulong financial para sa mga batang orphan. Front lamang niya ang pagbibigay ng tulong sa mga bahay-ampunan para hindi malaman o mahalata ng mga tao ang kanyang tunay na agenda. Pagkatapos magbigay ng pera sa babae ay nagpaalam na si Alegri sa babae. Tumayo ako sa kinauupuan ko kung saan ay nagpapanggap ako na may nilalarong bata para hindi mahalata ng mga tauhan ni Alegri na minamanmanan ko sila. Pagdating sa kotse ay sinalubong ito ng isang lalaki at binigyan kaagad ng alcohol. Halos ubusin na nito ang alcohol sa mga kamay at ginawa nitong tubig na panghugas ang alcohol. Tumalim ang mga mata ko habang nakatingin sa lalaking walang tigil sa pagkuskos ng mga palad na para bang dumikit na sa kamay niya ang maruruming kamay ng mga batang humawak sa kanya. Napaka-plastic! Mapagkunwari! Binigyan si Alegri ng tissue paper nang tauhan niyang nag-abot sa kanya ng alcohol. Pagkatapos magpunas ng kamay ay basta na lang itinapon sa kalsada ang tissue paper at dali-dali nang sumakay sa loob ng kotse. Sumakay naman ako sa kotse ko at sinundan sila. Hindi pa siya dumiretso sa bahay niya kundi sa isang restaurant para doon na mag-dinner. Sinundan ko siya hanggang sa loob ng restaurant at pumwesto sa mesa na may dalawang mesa ang agwat mula kinauupuan ni Alegri. Nag-order lamang ako ng caesar salad at orange juice para hindi halatang nagmamanman ako sa kabilang mesa na malapit sa akin. Pasimple akong kumakain ng salad nang biglang dumaan sa harapan ng aking mesa Veron at Craig na palabas na sana ng restaurant ngunit nakita nang ng babae kaya huminto para kausapin ako, este, para pala awayin na naman ako. "Look who is here, Craig. The woman we met at the party is here," sabi nito kay Craig na agad umaliwalas ang mukha nang makita ako. "Ano ang ginagawa mo rito?" nakataas ang kilay na kausap naman sa akin ni Veron. Ipinulupot nito ang isang braso sa braso ni Craig para ipakita sa akin kung gaano sila ka-sweet. Tinaasan ko lamang ng kilay ang obvious na pagpapaselos niya sa akin. "Hey! I'm talking to you!" medyo napataas ang boses na sabi ni Veron nang hindi ko siya pansinin. Napatingin tuloy sa amin ang mga customer na kumakain sa loob ng restaurant. "Who are you? Do I know you?" blangko ang expression ng mukha na tanong ko sa kanya. "Sinusundan mo ba ako?" nanlilisik ang mga mata na tanong niya sa akin. Halatadong na-insulto siya sa isinagot ko sa kanya lalo pa at may mga customer na natawa nang marinig ang sinabi ko. Siyempre, maiinsulto talaga ito dahil isa itong sikat na artista tapos sa harap ng maraming tao ay tatanungin ko siya ng ganoon. "Paano nga kita susundan gayong hindi naman kita kilala?" tanong ko pa sa kanya pagkatapos ay sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at pagkatapos naiiling na ibinalik ko sa kanyang mukha ang aking mga mata. "Not worth it for me to be stalks," dugtong ko pa bago ako tumayo. Hindi ko na mamamanman si Alegri dahil tiyak na aware na siya sa presence ko dahil sa walang kahihiyan na Veron na ito. "How dare you say that to me!" sigaw ni Veron sa akin sa mataas na boses. Mas lalo lamang kasi siyang nainsulto sa mga sinabi ko sa kanya. Tila wala na itong pakialam sa image nito. "Huwag kang mag-iskandalo rito, Veron," madilim ang mukha na awat ni Craig sa babae sa mahinang boses. "Nakakahiya. Maraming tao ang nakatingin sa'yo." "Craig was right. Don't make a scandal here. It will ruin your image. But I think your image was already ruined a long ago," nang-iinis ang tono na sabi ko sa kanya bago sila tinalikuran but I suddenly stop and face them again. May nakalimutan kasi akong sabihin na tiyak na makakadagdag sa inis na nararamdaman ni Veron sa akin. "You can eat my caesar salad. It will helps you to reduce your fats," dagdag pang-iinis ko sa kanya pagkatapos ay mabilis ko na silang tinalikuran. Hindi ko pinansin ang galit na galit na si Veron. Sa sobrang galit nito ay narinig kong pinagbantaan niya ang buhay ko. Pero wala akong pakialam kahit pagbantaan pa niya ang buhay ko. Sino ang tinakot niya? Hindi niya kilala si Shanra Croft at kung ano ang kaya kong gawin. Dumiretso na ako sa aking kotse. Bukas ko na lamang itutuloy ang pagmamanman ko kay Alegri. I still have lots of time. Marami pa akong oras kaya hindi ko kailangang madaliin ang pagpatay sa kanya. Nang malapit na ako sa kinapaparadahan ng kotse ko ay pinindot ko ang remote ng kotse ko para mabuksan ang pintuan ng kotse. At akmang papasok na ako sa loob nang bigla na lamang may malakas na kamay ang humawak sa aking braso at isinandig ako sa pintuan ng aking kotse. "What do you think you're doing, Craig?" inis ang boses na tanong ko sa kanya. Mahigpit kasi ang pagkakahawak niya sa dalawang braso ko at itinaas sa gilid ng aking ulo. Hindi ako makalaban dahil mas malakas siya sa akin and I was caught off-guard. I feel vulnerable in my position and I hate this kind of feelings. Bumabalik ang pakiramdam ko noong bata pa ako. The feeling of being vulnerable katulad noong bata pa ako na walang kakayahang ipagtanggol ang aking pamilya sa mga killer. "Mag-usap tayo, Shanra," nakikiusap ang tono ng boses na sabi sa akin ni Craig. "How can we talk if we're like this? Let me go and let's talk properly," sagot ko sa kanya. Ano ba ang ginagawa niya rito? Bakit ba niya ako sinundan? Siguradong nagwawala ngayon ang artistang kasama nito dahil iniwan nito para sundan ako. "No.I won't let you go. Alam kong tatakasan mo na naman ako kapag pinakawalan kita. So let's just like this," matigas ang boses na sabi ni Craig. "What happened to you, Shanra? Hindi ka naman ganyan dati?" Hindi ko napigilang mapa-ismid sa tanong niya. "Ano ba ako dati, Craig? Do you know me before? I don't even know kung kilala mo ako noon. But I'm surprise to know that you know my name. And still know my name until now." 'Hindi ka ganyan dati. You're cheerful and sweet lady before. But now, you are cold and seems different," sabi niya sa akin at hindi pinansin ang iba kong mga sinabi. "It's just your imagination, Craig," matigas kong tanggi sa kanya. Pinilit ko siyang itulak dahil hindi ko gusto ang kakaibang pakiramdam na unti-unting binubuhay ng simpleng pagkakadikit ng aming mga katawan. Parang may mainit na bagay ang pumapasok sa kaibuturan ng aking katawan. Ang totoo ay kaya ko naman talagang makakawala sa pagkakahawak niya ngunit hindi ko puwedeng ipakita sa kanya ang aking kakayahan dahil siguradong magtataka siya kung bakit may ganoong klase akong kakayahan. "Please, let me go, Craig. Kalimutan mo na lamang kung ano man ang pagkakakilala mo sa akin noon at kalimutan mo rin na kilala mo ako." For the past five years, this is the first time that I begged someone. "No. I won't," mariing tanggi ni Craig pagkatapos ay hindi ko ini-expect ang ginawa niya. He pulled me and kiss me hard on my lips. Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Craig kaya hindi ako nakakilos at napaawang na lamang ng bahagya ang aking mga labi. Sinamantala naman nito ang aking pagkatigagal at pag-awang ng aking mga labi. He slide his tongue inside my mouth and taste every corner of my mouth. Mas lalo akong hindi nakagalaw nang maramdaman ko ang mainit niyang dila sa loob ng aking bibig. Playing with my steady tongue. I felt a sudden heat from the lower parts of my body and then my heart beats faster than normal and these surprised me. Akala ko ay hindi ko kayang makaramdam ng ganito. Because I believed that I am cold and don't have this kind of feelings anymore since my family was assassinated. But I am wrong. I'm still a human after all. Biglang bumalik sa tamang pag-iisip ang aking isip nang marinig ko ang mahinang ungol mula sa lalamunan ni Craig. No! Hindi ako dapat na makaramdam ng ganito. I have to restrain this kind of nonsense feelings. Makakasagabal lamang sa paghihiganti ko ang ganitong pakiramdam. Nang iniisip ni Craig na nadadala ako sa kanyang mga halik ay bigla kong kinagat ang pang-ibaba niyang labi at tinuhod ko ang kanyang sikmura. Nabigla siya at napaatras habang nakayuko ng bahagya at hawak ang nasaktang sikmura. "You deserves it. Kapag inulit mo pa ang ginawa mo ay hindi lang iyan ang matitikman mo sa akin," matigas ang boses na sabi ko sa kanya bago ko binuksan ang pintuan ng aking kotse at mabilis na pinasibad palayo. Hindi ko napigilang sulyapan sa side mirror si Craig. Nakita kong nakatayo lamang siya habang sinusundan ng tingin ang papalayo kong kotse. Wala sa loob na napahawak ako sa aking mga labi na hinalikan ni Craig. I could still felt the softness of his lips. At para bang nararamdaman ko pa rin ang init na bigla kong naramdaman kanina. Mabilis kong ipinilig ang aking ulo. No. Hindi ako dapat magpa-distract sa kakaiba ngunit tila pamilyar sa akin na pakiramdam na ito. I should only concentrates my mind on my mission. And that is to assassinates Alejandro Alegri.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD