Katatapos ko pa lamang gamutin ang aking sugat nang marinig ko pagtunog ng doorbell mula sa labas ng gate. Nagmamadaling iniligpit ko ang mga ginamit ko at itinapon sa basurahan ang duguang mga bulak. Inayos ko muna ang aking sarili bago ako naglakad palabas sa pintuan para pagbuksan ang taong nasa labas ng gate na walang iba kundi si Craig. Siya lang naman ang pumupunta sa bahay ko kaya natitiyak ko na siya ang nasa labas ng gate at siyang nag-doorbell kahit na hindi ko pa man siya nakikita. Napangiti ako nang makitang tama ang akung hinala. Nagmamadaling lumabas ako sa pintuan para pagbuksan siya ngunit hinayaan ko lamang na nakabukas ang pintuan ng bahay ko para hindi ko na kailangan pa ng aking hininga para mabuksan ang pintuan. Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate ay agad akong sinalu

