Hindi ako nakagalaw nang marinig ko ang mapanganib at matigas na boses ni Craig sa aking tagiliran. Kapag gumalaw ako ay natitiyak ko na babarilin niya ako. Kaya kong maiwasan ang kanyang baril ngunit kailangan ko siyang saktan. Naisip kong turukan na lamang siya ng aking karayom na may pampatulog. Mas maganda ang ganoon kaysa ang makipagsabayan siya sa aking mga kasamahan. Hindi ko sinasabi na matatalo si Craig ngunit mas mabuti na iyong naninigurado. Nag-iisa lamang siya na may kakayahang lumaban sa amin samantalang marami kaming mga assassin at sanay pang pumatay ng tao ang mga kasamahan ko. "Itaas mo ang mga kamay mo," matigas ang boses na utos sa akin ni Craig. Dahan-dahan kong itinaas ang aking mga kamay. Kailangang makahanap ako ng timing para maturukan ko siya ng aking karayom. "

