Chapter 72

2552 Words

Craig! hiyaw ko sa aking isip nang makita ko ang lalaking minamahal ko na nakatali ang paa't kamay na parang baboy habang nakahiga sa malamig na sahig. Pilit kong kinontrol ang sarili kong lapitan siya at pakawalan gaya ng pagkontrol ko na huwag lumarawan sa mukha ko ang pagkabigla, pag-aalala at pagmamahal ko sa kanya. "Na-sorpresa at na-touched ka ba dahil idiniliver ko sa harapan mo ang target mo?" nakangising tanong sa akin ni Allan. "Paano mo siya nahuli?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Pinilit ko ang aking sarili na huwag magpakita ng kahit anong emosyon. "Simple lang. Habang nasa bar kami at umiinom kasama ang tatlong tauhan kong ito ay nakita namin siyang umiinom ng mag-isa. Hinintay namin na malasing siya tapos saka namin siya pinatulog at dinala rito. Easy, di ba?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD