bc

MY MAID, BECAME MY LOVE.

book_age16+
45
FOLLOW
1K
READ
arrogant
powerful
independent
CEO
maid
sweet
childhood crush
illness
like
intro-logo
Blurb

What if your maid become your obsession? ayaw man ng mga taong nasa paligid mo, ngunit mas sinunod mo ang nilalaman ng iyong puso't isipan. Czellezthiana Raz Sy, isang simpleng babae na nagpagulo sa puso at isipan ng isang milyonaryong si Haru Daichi Fujiwara na walang pakialam at sarili lamang ang iniisip. Paano kung sa isang iglap, mabago ang lahat?

chap-preview
Free preview
Farewell
Czellezthiana's "Ma, please. lumaban ka, kaya mo yan ma. h'wag mo kaming iwan please.." Wala kaming magawa kundi ang umiyak sa harap ni mama. Hindi namin alam ang gagawin, hindi namin magawang dalhin siya sa hospital dahil sa sobrang kahirapan. Alam kong hindi na kaya ni mama pero heto kami nagmamakaawa na huwag kaming iwan. Dahil saan na kami pupulutin ng kapatid ko? anong magagawa ng isang disisyete anyos na tulad ko? si papa? hindi namin alam kung nasaan, bata palang ako ay wala na akong kinilalang ama. "Anak..patawarin mo a-ako.." Sa itsura ni mama, parang may gusto siyang sabihin pero dahil sa kalagayan niya, nahihirapan siyang banggitin kung ano man iyon. "Pahinga kana muna ma, laban lang ha. Walang susuko ma." Saglit akong lumabas para kuhanin ang inadvance kong sahod. Pupunta kasi akong palengke para bumili ng ulam namin at para na din bumili ng kung ano mang gusto ni mama. Mabuti nalang kamo at may kapitbahay kaming matulongin. Binigyan niya ako ng trabaho, may puwesto kasi si aling marisel sa may palengke. Ako ang pinagbabantay niya. "Tylli, tanongin mo nga si mama kung anong gusto niya." Pag uutos ko sa nakababata kong kapatid na lalaki. Kinse anyos palang siya pero yung pag iisip niya akala mo'y magkasing edad lang kami. "ATEEEEEE!!" Dali-dali akong pumunta sa maliit na kwarto kung saan namamalagi si mama. "Bakit? anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong. Agad akong lumapit at tinignan ang kalagayan ni mama. "Hindi daw siya makahinga, nahihirapan na si mama, ate.." Pinipigilan kong humagulgol sa harap nila, dahil gusto kong magmukhang malakas. Baka pati si mama panghinaan ng loob. "H-hindi..hindi baka nakalanghap lang si mama ng usok.." Hindi ko kaya.. "Ano gusto mo, ma? Gusto niyo ice cream?" Pang aalok ko habang inaayos ang kurtina. Katabi lang ni mama ang bintana kaya baka siguro nalanghap niya ang usok galing sa labas. "Ate, hirap na hirap na siya. Pagpahingahin mo na si mama." Naiiyak akong lumingon sa kapatid ko. "Tylli baby.. huwag kang panghinaan ng loob, gagaling si mama. Okay?" "Gagaling?! Paano siya gagaling ni hindi nga natin alam kung anong sakit ni mama! Palagay mo ate gagaling siya sa pag inom ng biogesic?!" Nagulat ako dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan, galit ang tono pero ang mga mata niya ay namumula, pinipigilan ang pagtulo ng luha. Sobra akong nanghina dahil sa katotohanan, paano nga ba gagaling si mama. Bukod sa hindi namin alam ang sakit niya, wala rin siyang gamot na iniinom kundi ang biogesic. "A-ate si mama.." Kitang kita ko kung paano siya naghirap dahil sa sitwasyon niya. "Sorry.. ma, pahinga kana. Pangako aalagaan ko si tyller. Hindi ko siya pababayaan ma.." Para akong bumalik sa pag kabata dahil sa itsura ko. Nakayakap ako kay mama, habang humahagulgol ng iyak. Naaawa ako sa kapatid ko, dahil simula nang magkaisip siya ay ganito na ang sitwasyon na nakikita niya. Puro paghihirap. "Bunso, tara kain na." Nakita kong tulala ang kapatid ko, nakatingin sa litrato ni mama na nakalagay sa patungan ng maliit naming TV. "Ate, wala na si mama. Paano na tayo? saan tayo tutuloy kapag pinaalis tayo dito?" Muli nanaman nagbabadyang tumulo ang aking luha. Lumapit ako kay tylli at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. "Gagawa ako ng paraan, okay? nangako ako kay mama na aalagaan kita. Hinding hindi kita pababayaan.." Niyakap ko siya ng mahigpit at ramdam kong umiiyak siya dahil sa pagyugyog ng kaniyang balikat. "Paano yung pagpapalibing kay mama? saan tayo kukuha ng pera?" Ayokong sabihin sa kapatid ko na pati ako hindi alam kung saan hahagilap ng pera. Iniiwasan kong mamoblema siya dahil sa edad niya ay dapat pag aaral lamang ang iniisip niya. "Bunso, si ate na bahala doon. Tiwala ka lang sa ate mong maganda at madiskarte hahaha." Dahil sa sinabi ko ay agad siyang napangiti. "Tara, kain na tayo. May aasikasuhin pa ako. Ikaw na bahalang magbantay kay mama ha.." Isang araw na ang nakalipas simula nang iwan kami ni mama. Sa labas siya ibinurol tabi lang ng bahay namin. Dahil hindi kasiya dito sa munti naming tahanan. Nang matapos kaming kumain ay agad akong lumabas upang puntahan ang kinaroroonan ni mama. "Ang ganda ganda mo talaga ma, walang duda sa'yo ako nagmana.." Pinagmamasdan ko ang maganda niyang mukha habang mahimbing ang kaniyang pagkakatulog. Sa sobrang himbing, wala nang t'yansa pang magising. Sobra kitang mamimiss ma.. sobra din akong bilib sayo kasi nagawa mo kaming palakihin nang may maayos na pamumuhay. Alam kong mahirap lang tayo, pero nagpapasalamat pa rin ako mama kasi nakakakain tayo ng tatlong beses sa isang araw. "Naku po! malulungkot lalo si tita joyce niyan. Tahan na.. papangit ka niyan sige ka." Nagulat ako sa biglaang pag sulpot ni zach at dahil din sa kamay niyang tumatapik sa balikat ko, way niya siguro sa pag-aalo. "Mama oh, nandito nanaman yung kapitbahay nating epal." Kunwaring sumbong ko. "Grabe ka naman! pasalamat ka talaga crush kita. Tyaka binilin ka kaya ni tita sa'kin." "Malaki na 'ko, kaya ko na sarili ko. Pakialis din 'yang kamay mo sa balikat ko, masusuntok kita tamo!" Inambahan ko siya ng suntok pero itong mokong na 'to natatawa pa. Ngunit mayamaya lang ay agad siyang sumeryoso. Hinawakan niya ang mag kabilang balikat ko at iniharap sakaniya. "Czellez.. gusto ko lang sabihin na nandito lang ako palagi para sainyo ni tylli. Kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako at lilipad ako papunta sa'yo hahaha." Okay na sana e. Yawa, medyo natawa ako sa sinabi niya bandang huli. "Pero seryoso nga, handa akong tumulong..." "Hoy! tantanan mo nga ate ko!" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ng kapatid ko. Jusko naman, lagi nalang akong nagugulat. "Hi, sungit!" Sungit talaga ang tawag niya sa kapatid ko, dahil lagi siyang sinusungitan. "H'wag mo akong ma-hi, hi diyan. Mukha kang babaero, kaya hindi kita gusto para sa ate ko." Deretsahang sabi ni tylli. "Tara na ate, hatid na kita sa sakayan at ikaw asungot, diyan ka lang. Bantayan mo si mama." Siniko ko si bunso dahil masyado na siyang harsh kay zach. "Oo na, dito lang ako boss. Ingat czellez." Kumindat pa ang mokong hahaha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook