Clea Mair’s POV Hindi ko pa man naimumulat ang mga mata ko ay ramdam ko na ang sakit ng ulo. I should have expected to have a hangover like this because of what I drank last night. Ang lakas ng loob kong uminom ng maraming alak gayong hindi naman ako sanay na makipagsabayan sa ganoong party. Totoo pala ang naririnig ko sa mga katrabaho ko na sa gabi ay minamahal nila ang alak dahil masarap inumin pero pagsapit ng umaga ay isinusumpa nila ito dahil sa tindi ng hangover na nararamdaman nila. Sa susunod ay hindi na ako iinom ng ganoon kadami. Iyong tama lang para hindi ako salubungin ng ganito katinding sakit ng ulo kinabukasan. Huminga ako ng malalim at sinimulang hilutin ang sentido ko. Ngunit agad akong napadilat nang napagtanto na hindi ko maalala kung paano ako nakauwi kagabi. Ang

