Clea Mair’s POV Ang planong pagbalik sa Teur City ng gabi ay hindi na natuloy dahil nag-insist pa sina Cheya at Maya na mag-bonding pa kami. Pero dahil wala iyon sa plano ay hindi kami hinayaan ni Andrel na lumabas ng hotel room kaya nag-movie marathon lang kami habang kumakain at nagkukwentuhan. At kinabukasan ay maaga akong inihatid ni Andrel pabalik sa apartment ko sa Teur City habang siya naman ay kinailangang pumunta sa office niya kahit weekends para asikasuhin ang ilang trabaho na ipinagpaliban niyang gawin dahil sa paghahanda sa party na pinuntahan namin. At wala naman akong trabaho para sa araw na ito kaya plano ko lang matulog pero agad akong napabangon nang makatanggap ng message galing sa secretary ng mga magulang ko. Hinihiling ng mga ito na umuwi ako sa palasyo ngayon da

