"Umidlip ka man lang ba ha, Mari Yzebelle?" Malakas na saad ni Nanay kaya agad akong sumenyas sa kanya. Inilagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng mga labi ko para tumahimik si Nanay. Hindi naman totoong galit si Nanay. Ganyan lang talaga siya na nagprepretend siyang galit pag nagpupuyat ako or hindi ako natutulog dahil sa mga kailangan kong tapusin. "At bakit mo ako pinatatahimik ha, Mari Yzebelle?" Malakas pa ring tanong ni Nanay sa akin kaya agad kong tinuro sa kanya ang screen ng laptop ko. Napatakip kaagad si Nanay ng kanyang isang kamay sa kanyang bibig habang nakasenyas ng peace sign naman ang isang kamay niya nang makita nya sa monitor ng laptop ko ang natutulog na si Badong sa kanyang kama. Gusto kong matawa dahil pati si Nanay ay nagagaya na din sa amin na nagpepeace sign. "Bakit

