25th of September "Ate Yze, pwede bang magtanong? Ok lang naman kung ayaw mong sagutin." Nagaalangang saad ni Chelly sa akin. "Ano yun, Chelly?" Napakunot ang noo kong balik na tanong kay Chelly. "Ah. Eh. Ano na ba ang status ng panliligaw sayo ni Kuya Jhe at ni Neil?" Nagaalangan pa ring tanong ni Chelly sa akin. Andito kami ngayon sa kanto. Hinihintay namin ni Chelly si Dhorie. Kikitain namin sina Lorin at May Ann na nasa Bayan na. Kakain kasi kami sa Mang Inasal dahil ililibre kami ni Lorin na nagbirthday noong nakaraang linggo pa. Ngayon lang nya kami ililibre dahil ngayon lang ako nakauwi ng Malolos. Kakatapos lang kasi ng final exams ko kaya ilang linggo din akong naging busy at hindi nauwi ng Malolos. Kina Tita Uping sa Sampaloc muna ako nagstay dahil hindi ko kaya na maguwian

