Nakaupo ako sa hagdanan papuntang second floor ng bahay namin nang may kumatok sa front door. Wala pa yatang isang oras na nakakaalis sina Dhorie at Chelly eh may bisita na naman kami ni Nanay. Ani ko pa sa isip ko. "Nay, may inaasahan ka po bang bisita?" Pabulong kong tanong kay Nanay na nanonood ng TV nang lumapit ako sa kanya bago ko buksan ang front door namin. "Wala naman, Anak." Saad ni Nanay na napakunot din ang noo. Sino naman kaya 'to? Wag naman sana yung Tropang Tambays. Ani ko sa isip ko bago ko binuksan ang pinto. At hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang si Majhoy ang bumungad sa akin ng buksan ko ang pinto. "Hi, Yze." Bungad na bati sa akin ni Majhoy. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tila nahihiyang tanong ni Majhoy. "Ah. Eh. Oo naman, Majhoy. Halika. Pasok ka."

