"Maraming salamat sa pagiging Ate kay Pot noong mga panahon na napapariwara ako, Yze. Pasensya ka na dahil may pagkakataon na pinagselosan kita hindi lang dahil sa pagiging close mo kay Badong kundi dahil din kay Pot. Pero tama naman yung lagi nilang sinasabi na naging kapatid ka sa kanila kaya hindi ka nila bibitawan." Ani ni Majhoy. "Sinabihan ka ba ni Pot na pumunta dito para kausapin ako?" Tanong ko kay Majhoy. "Hindi, Yze. Hindi alam ni Pot na pupuntahan kita ngayon. Kusa akong pumunta dito. Dapat ay nung isang araw pa ako pupunta dito pero narinig ko nung naguusap si Pot at si Iking na nag-out of town nga daw kayo ng ibang Kanto Girls at kahapon nga daw ang balik nyo galing Baguio. Masayang masaya nga sila dahil dito ka na daw ulit sa Malolos magstay. Mas malaki na daw ang chance

