CHAPTER 50

1521 Words

"Ang ganda pala dito, Anak." Ani ni Nanay ng huminto kami sa harap ng guard house ng Madiera Homes. Bumungad kasi sa amin ang magandang landscape sa entrance palang ng Madiera Homes. "Yun nga po ang sabi ni Lorin nung nakaraan. Halos mayayaman daw po ang nakatira dito, Nay." Tugon ko kay Nanay. After kong ipakita sa guard na kausap ko ang company ID ko sa MDZ Makati ay sinaluduhan pa ako ng guard. "Welcome po to Madiera Homes, Architect Santo Domingo. Since Monday pa po namin kayo hinihintay para po icheck ang unit nyo." Ani pa ng guard. "Ah, ganoon po ba. May inasikaso pa po kasi ako kaya ngayon lang po ako nakapunta." Saad ko naman. "Opo, Architect. Yung unit nyo nga po pala ay nasa pangatlong kanto po sa kaliwa nyo. Unang bahay po. Number 301 po." Pagiinstruct sa akin ng guard.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD