Chapter 5

1559 Words
Davdream POV "Dav.. kamusta?" Napalingon ako at nakita ko si Alice na mukhang may ginagawa sa laptop niya at natigil ng makita niya ako. "Ayos lang, Ikaw?" Nagkibit balikat siya. "Same." Saglit siyang hindi umimik at nagsalita din pagkatapos. "Hindi ko alam na ang dami mo pa lang kalaban." "Ikaw din naman." Ganti ko na ikinagulat niya at nag-umpisa nanaman siyang maging exaggerate kaya inunahan ko na siya. "I'm fine. Walang naka-hawak sakin kahit isa." Hinarap ko Alice na mukhang nababahala pa din. "Siya nga pala, I slipped." "Ha?" Takhang tanong niya. "Hindi ko alam na hindi pala kayo nagpa-plano. Hindi ko alam kung epektibo yung palusot ko gang mo." "Ahh. Yun ba, magtataka nga sila jan. Pero hayaan mo na. Minsan talaga naguguluhan sila sakin kasi may time na weird ako." But I'm not acting weird. It's as if I'm a savage heartless killer last night. "Dav? You ok?" "Yeah. What makes you think that I'm not?" "Ahh.. wala, sige hayaan mo na." Nginitian ko siya at tumayo saka umunat. "Dav.." "Hmm?" "Nabuking na ako ng assistant mo." Nag-iwas siya ng tingin ng makita niyang titig na titig ako. "Kilalang kilala ako ni Blaire kaya hindi na ako nagulat. Don't mind him. Aakyat muna ako sa kwarto ko para matulog." Paalam ko saka diretsong naglakad papunta sa kwarto ko at pumasok ako sa closet loob ng walk in closet ko at tinawagan si Blaire. "What do you think of Alice?" Tanong ko. Namagitan muna ang katahimikan saka ko narinig ang buntong hininga niya. "She's strong but it's not enough. She lacks knowledge about the world we're in. She's soft, Dream. We have no space for people like her. She'll die." Sabi ni Blaire. "Teach her." "What?!" Blaire exclaimed "Teach her. I can't keep it all. If something happens tell everything—" "Don't speak like that." "Just do it." Pinatay ko agad ang tawag saka lumabas sa walk in closet ko at nahiga sa kama saka ipinikit ko ang mga mata ko. So much for my first day as Alice. Alice POV: "You're her twin sister but you don't know anything about her. What kind of TWIN sister are you? What have you been doing para hindi mo malaman kung anong klaseng tao na ang kapatid mo?" Blaire said mocking me. I should be raging anger now but I couldn't. "Alam mo kung anong kapalpakan ang ginawa mo? First, Fighting those bastards. Davdream never did that. No one saw her fight except her alphas. Second, you didn't finish them off. If you're going to fight those people who wants you're sister's death you should kill them all. Bakit? Kasi babalik ang mga taong yun. Mas marami at mas handa para patayin ang kapatid mo. Last, you can't control your emotions. You have to shut your mouth when your sister's people killed those bastards because that's the rule. You just made your sister's people doubt her. Before you make a move talk to me first. This is a big organization not small like gangs. Pinapatay namin lahat ng taong nakaka-apak sa teritoryo namin. Especially uninvited guess. I know why you're here. And if you don't me to spill it to your sister follow my instructions." He knows why I'm there. He knows Davdream than me. It's frustrating. I hate that guy but he's right. Ano bang alam ko kay Davdream? I've been acting like a worried sick about her pero wala naman akong alam. Sinabihan ko siyang late na umuwi nung nakaraan pero may klase pa pala siya nun. Except sa oras ng klase niya at sa pagiging mafia queen niya at yung edad at kaartehan niya wala na akong alam. We have the same face but it's like we're strangers— o baka ako lang?? Napatayo ako at nagpalakad lakad. If she knew everything about me then what kind of sister I am? Shit... Inuna ko pang hanapin ang taong yun kaysa kilalanin ang kakambal ko. I'm such an idiot. "Hija, ayos ka lang?" Napa-baling ako sa direksiyon ni Aling Tesa. "Aling Tesa. Sainyo po, anong klaseng tao si Davdream?" Nabigla siya sa sinabi ko pero nagtaka ako ng makita ko siyang umiwas ng tingin sakin. "Aling Tesa?" "Wala ako sa lugar para sagutin yan. Ikaw na ang bahalang umalam. Kakambal mo yun. Magliligpit lang ako sa kusina." Hindi ko na siya napigilan ng dire-diretso siyang maglakad palayo. She's acting weird pero hindi ko naman mahinuha kung bakit. Aalis na sana ako ng mapa-daan si Butler Jim. "Butler Jim." Tumigil siya sapaglalakad at hinarap ako. "Itatanong ko lang sana kung anong klaseng tao si Davdream sainyo." Natigilan din siya sa tanong ko pero mas mabilis siyang nakabawi at yumukod. "She's... good." Good? Tumayo siya ng diretso. "If you may excuse me Miss Alice." Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalayo siya. Parang may mali talaga sa reaksiyon nila pero hindi ko alam kung bakit. Ano bang nakakagulat sa tanong ko?  Sandali, baka nagulat sila kasi sa wakas naisipan ko ding kilalanin ang nag-iisa kong kapatid. Bumuntong hininga ako at sinara ang laptop ko at umakyat papuntang kwarto bitbit yun. Buti na lang friday ngayon at Saturday bukas, walang pasok. Yayayain ko si Davdream na maglibot sa Dreame Mall. TANGHALI na pero tulog pa din si Davdream. Papasukin ko sana yung kwarto niya kaya lang naka-lock. "Dav? Gising kana ba—" Biglang bumukas ang pinto at bumungad siya. "Take a shower. Dreame Mall tayo." Natigilan siya sa sinabi ko. "Bakit?" "Ito ang unang beses na niyaya mo ako sa labas." Napipilan ako sa sinabi niya. "Maliligo na ako." Wala akong maisagot hanggang sa isinara niya ang pinto ng kwarto niya. Ngayon pa lang naiiisip ko na kung gaano ako ka-gaga. Hindi pa kami lumalabas ng magkasama. Wala akong pina-kilalang kakambal ko kahit na kanino. Because deep inside me I want to use her. Many people knew about me pero si Davdream hindi. Dahil na din nuong nawala siya. Kilala ang pamilya namin pero sa aming mag-kapatid ako lang ang kilala ng lahat. Si Davdream, hindi. It's like she's my shadow. And I already used her. I take advantage to her and I made a deal. "Let's go?" Napadako ang tingin ko sakanya. She look fresh. Para akong nakatitig sa repleksiyon ko. Ang kaibahan lang may nunal si Davdream sa sintido ako wala. "I'm sorry" That word just came. She stared at me and then she smiled but it didn't reach on her eyes. "Let go, Ali." Nauna na siyang naglakad at sumunod na lang ako. Paglabas naghihintay na saamin si Butler Jim. Nilingon ko si Davdream. "Bakit nandito si Butler Jim?" But instead na si Davdream ang sumagot si Butler Jim ang sumagot. "I'll be your driver Miss Alice." Kakausapin ko sana si Davdream kaso nakapasok na siya sa loob kaya pumasok na din ako. May gusto akong sabihin pero hindi ko masabi. We were silent until we came to our destination. Dreame Mall. Sikat ang may-ari ng mall na ito dahil sabi nila teenage pa lang daw ang CEO ng itayo nito ang Dreame Mall pero walang may alam kung sino. Dreame Mall has 6 branches. The CEO must be really rich. I was curious kaya nag search ako sa google pero wala talagang mukha niya o kahit kasarian man lang. ang akala ko pinatayo ng mga magulang niya ang mall na to pero nasabi sa google na mismong ang CEO/Founder daw ang nagpatayo with the shareholders pero ng makita ko ang share niya nanlaki yung mata ko. 50% and that person has five shareholders and each of them shares a 10%. Like wow, that person is tycoon. Sabay sabay niyang tinayo yung tatlong branch sa iba't ibang panig ng pinas noong nakaraang dalawang taon at kung sakaling kaedaran namin siya edi 18 years old kami noon. Yung tatlo pang branch katatapos lang nitong nakaraang dalawang buwan. Medyo parang pabigla bigla yung may ari kasi sabay sabay paano kung wala din namang gaanong costumer diba Pero ang sabi sumikat daw agad kaya panigurado akong hindi lang milyonaryo ang CEO na to. Kasi nasabi ding Architecture ang natapos nito dahil ito mismo ang nagdrawing ng building. Na shock talaga ako kasi kung ganun maaga siyang nakatapos ng pag-aaral and that person must be really a genius. "Ano ng gagawin natin dito?" Nilingon ko si Davdream na naka-pamulsa lang sa cargo pants niya. "Kain muna tayo. Gutom na ako." Sumunod lang siya sakin ni hindi nga siya nagbigay atensiyon sa kahit na sino dahil ang daming naka tingin saaming dalawa. Maski yung mga empleyado titig na titig samin na para bang ngayon lang nakakita ng tao. Pumasok ako sa All4u Unlimited Grill & Shabu Shabu. Pag-upo namin nag cellphone lang si Davdream kaya ako na nag um-order may isa din sa staff na nag-presintang siya na ang magluluto ng lahat para kakain na lang kami. Naka-pasok naman ako sa ibang branch ng All4u pero never naman akong pinagsilbihan kasi Shabu Shabu nga eh. Kami ang dapat magluluto ng mga kakainin namin. Pero mag-iinarte pa ba ako? Nagsimula na kaming kumain ng may maka-agaw ng atensiyon ko. Yung mga taong pumasok sa loob ng restaurant mga kilala ko. Bakit ko naman makakalimutan ang tatlong lalaking naghahanap ng pwesto eh gang ko yan. Maski yung dalawang tao sa likod ng gang ko dahil kanang kamay yun ni Davdream at yung babaeng kakaiba ang tingin sakin simula ng umaksiyon ako ng magkaroon ng war sa organization nila. At lahat ng limang pares ng mata na yun at tumutok sa direksiyon ko. They can't see Davdream's face because her back is facing to them. Nang magsimula silang magsilakad palapit sakin namawis ako bigla.  What to do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD