Chapter 6

2439 Words
"Alice! We were worried sick about you last last night." Napa-irap ako ng marinig ko ang boses ni Charls. Tinignan ko si Alice at nakita kong namamawis siya kahit may aircon naman dito. "Iniwan niyo ako nang gabing yun anong aasahan niyo?" Sabay-sabay na napalingon silang tatlo sa direksiyon ko at napa-nganga sila sa gulat. Bumaling sila kay Alice saka muling bumaling sa direksiyon ko. "Dream." Nilingon ko ang tumawag sakin at nakita ko si Blaire na katabi si Victoria na mukhang gulat na gulat din ng makita kaming dalawa ni Alice. Who would not? Kung hindi lang kami magkaiba ng damit mapagkakamalan talaga kaming doble kara. Magka-mukhang magka-mukha kasi talaga kami. "Alice, it's better if you tell them." Sabi ko pero parang walang naririnig si Alice. Tinignan ko ang gang ni Alice na naka-masid sakin. "Sit. Eat with us." Itinaas ko ang kamay ko para agawin ang atensiyon ng mga waiter. Nang ayain ako ni Alice tinawagan ko ang fifth family na sabihan ang lahat na papasok ako ng mall kasama ang kapatid ko. Hindi ko na kailangan ng mahabang paliwanagan dahil alam naman nila ang dapat na gawin. "Yes ma'am?"  "Paki-dagdagan ng mesa at upuan para sa tatlong tao." "Ok, po." Mabilis na tumalima ang babae at nagpa-tulong sa ibang waiter na buhatin ang lamesa saka mga upuan. "Your order ma'am?" I look at the waiter. May hawak siyang papel para ilista lahat ng o-order-in namin. "Ask them." Ani ko at tinignan ang gang ni Alice na katabi lang din nila Blaire. Habang nililista ng waiter ang order ng gang ni Alice at order nila Blaire at Victoria saka lang natauhan si Alice at nangangamba habang nakatingin sakin. "We'll talk later." Huminga siya ng malalim at napa-iwas na lamang ng tingin sa mga gang niya na nagsitabihan sakin kaya naka-harap sila kay Alice at naka-harap naman si Blaire at Victoria saamin dahil sila na ang tumabi kay Alice ng maunahan sila nila Charls, Maximo at Trenz. "So... wala bang magpapaliwanag saamin kung anong nangyayari?" Tanong ni Max. Si Alice mukhang kampante pero alam kong natataranta na yan. "Just enjoy the food. We will explain later. Kumain muna kayo at gayahin yung isang yun.." Sabi ko at tinuro si Victoria na walang habal kumain. Pinag-titinginan na siya ng mga tao kaya tumayo si Blaire sa hiya at lumipat sa kabilang tabi ni Alice at tahimik na kumain. "Mawawalan lang tayo ng gana kung pag-uusapan natin ang hinihingi niyong paliwanag." Hindi na sila umimik at tahimik na lang na kumain mabilan kay Victoria na patay gutom. "Hey Tactless," Bakas ang inis at hiya sa boses ni Charls ng agawin niya ang atensiyon ni Victoria. "Maganda ka naman at mukhang anak mayaman but you act like unmannered—" "Salamat sa papuri pero hindi ko kailangan ng opinyon mo." Nag-ngitngit ang ngipin ni Charls kay Victoria na kaharap lang niya. "You— shameless!" Charls scoffed. Inismiran ni Victoria si Charls at makapal ang mukhang um-order uli sa waiter. Nagpa-tuloy na lang ulit ako sa pagkain at pinabayaan sila. NANG matapos kaming kumain hindi na kami naglibot sa mall. Lumabas na kami agad at sumakay sa sasakyan. At dahil pare-parehas na nag-taxi yung mga kasama namin at para maka-sigurong hindi daw kami tatakas sumama sila. Magka-tabi kami ni Alice sa passenger seat at nagsisiksikan naman yung apat sa backseat dahil malalaking tao sila and if you're asking for Victoria — "Hey! Let me out! Paano kung mamatay ako dito sa back compartment?! Ayoko pang mamatay! Hindi pa ako busog!" Oh, yeah. She's in the back compartment. "Guys?! Hey!! Palabasin niyo ko!! Punyemas! Ang init dito pinagpapawisan na yung kilili at singit ko!" "Shut the f**k up you tactless!" Inis na ganting sigaw ni Charls. "Hoy! Don't f**k, f**k, me huh! May I remind you. I'm a mafia! I could kill you if I want!" "Wala akong pakielam! Kahit ikaw pa ang highest rank sa lahat ng mga demonyo!" Charls replied. "Charls, calm down. Bakit ba ang laki ng galit mo jan eh ngayon lang naman kayo nagkakilala?" Tanong ni Max ng hindi na niya mapigilan. "She's my type! Her body figure, beautiful face, tantalizing eyes, straight black long hair, outfit and most of all her sexy body! But it was destroyed by her personality! Damn it!" Hindi maririnig ni Victoria ang mga sinabi ni Charls dahil pabulong lang yun pero dahil hindi naman kami nagkakalayo ng pwesto at sakto lang ang hina ng boses ni Charls dinig na dinig namin ang sinabi niya. "Umandar nanaman ang pagiging babaero mo." Walang buhay na komento ni Trenz at siniko si Charls. "Ouch! Masakit Trenz!" Reklamo ni Charls "Umusog ka kasi! Hindi na ako makahinga dito!" Inis na sigaw ni Trenz. "Stop you two! Nadadamay kami dito!" Sabat ni Max at nilingon si Blaire na tahimik lang pero halata namang nahihirapan sa pwesto nila. I'm looking at them in the mirror. They look cute by the way. "We're here." Mabilis pa sa alas-quatrong nagsilabasan silang apat at nagsi-hingahan ng malalim. "Dav.." Nilingon ko si Alice na mukhang hindi mapakali. Bumuntong hininga ako. "Talk to your gang. Explain everything to them and I'll talk mine." Tumango siya. "Kung papayag silang mag-switch tayo then our deal is still void. You can do everything you want as Davdream and I'll act as you." Tinapik ko siya sa balikat at lumabas na ng sasakyan saka mabilis na pumasok sa loob ng headquaters nila Alice. Pagpasok ko sa loob nagbabangayan si Charls at Victoria. Nang maka-pasok na din si Alice napa-buntong hininga siya sa pagbabangayan nila Charls at Victoria. "Boys, mag-uusap tayo sa taas." Sabi ni Alice at dire-diretso ng umakyat. Agad namang sumunod yung tatlo kay Alice. "Bwisit na lalaking yun. Ang laki ng problema sakin." Kunot noong daing ni Victoria at humarap sakin. "Anong nakain ng kapatid mo at niyaya kang lumabas?" Nag-kibit balikat ako. "She looks guilty." Umirap si Victoria sa sinabi ko. Hindi lang siya taklesa, maldita din. "Ngayon lang siya naka-ramdam? Wow. Just wow. So what's your plan? Anong meron at nagpalit kayong dalawa ng identity?" Tumingin ako sa direksiyon ni Blaire na nakikinig lang samin. Nang tumango siya hinarap ko si Victoria. "Kung wala kayong balak na sabihin. Fine. At sa ganyang klase ng tingin mo naiintindihan ko yan. I'll keep my mouth shut." Wala na akong sinabi at pinakielaman ang mga games nila dito. Nag-hanap ako ng pangtatluhan. Nag-babakasali lang pero hindi ko inaasahan na meron talaga kasi normally pang dalawahang tao lang. "Let's play." Mabilis na nagsitabihan sakin si Blaire at Victoria. "Excited much?" Natigilan sila sa sinabi ko. "Of course. Ngayon ka lang uli nag-aya. Dati nung buhay pa siya masaya ka pa nun at pala-laro." Dire-diretsong sabi ni Victoria na hindi tumitingin sakin. "Let's start." Alice POV: "Bakit hindi mo sinabi saamin na may kakambal ka? Ilang taon na tayong magkakasama pero ngayon lang namin malalaman?" Bakas ang inis sa boses ni Max. Umiwas ako ng tingin at napa-lunok. "Ano Alice? Akala ko ba mag-uusap tayo?" "Hindi ko sinabi sainyo kasi ayokong malaman niyo." Tumingin ako sakanila na seryosong naka-tingin sakin. "Are you being selfish?" Trenz ask. "No!" Napa-kagat labi ako. "I don't know..." "Explain, Alice." Sabi ni Charls na minsan lang mag-seryoso. Bumuntong hininga ako. "Noong pitong taong gulang kami ni Dav bigla na lang siyang nawala. I don't know what to do that time. Napaka-bata ko pa. We lost our family and I really felt so alone and scared because Davdream is nowhere to be found. Pinahanap ko siya kay butler Jim pero hindi daw nila alam kung nasaan si Dav at ng lumipas ang tatlong buwan ang sabi pinatay daw si Dav ng kalaban ng pamilya namin. I was so devastated that time at iyon ang araw na nakakilala niyo ako. Noong panahong handa na akong magpakamatay para sumunod sa pamilya ko at syempre para makasama ang kakambal ko." Napa-upo ako sa sofa saka pinunasan ang luha ko. Sila lang nakakakita ng side kong to dahil wala naman akong masandalan noon. "And after two years pag-uwi ko sa mansion nagtaka ako kung bakit walang katulong o bantay ang nasa labas ng bahay. At pagpasok ko nagulat ako. Nagulat ako kasi nandoon yung kakambal kong dalawang taong nawala at pinagsisilbihan ng mga katulong namin. Tapos yung mga bantay nasa entrada ng pinto at naka-helera sila ng tayo sa gilid. Nang makita nila ako parang normal na binati lang nila ako at walang taong naka-upo sa hapag kainan at tahimik na kumakain ng mansanas. And that person is my twin sister. When she look at me that time she look empty and I don't know what to do or what should I say. Two years. Two years siyang nawala at two years din ang naging gap namin sa isa't-isa—" "Walang gap Alice. You choose us and you stay away from her." Napipilan ako sa sinabi ni Max. "Continue." Bumuntong hininga ako. "You're right. I choose you. I choose my gang." Napa-hikbi at sunod sunod na pinunasan ko ang luhang bumagsak sa mga mata ko. "Takot ako eh. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakalimutan ko yung pakiramdam kapag kasama ko siya. Naka-limutan ko kung paano ko siya kakausapin." Pinunasan ko ulit yung luha ko gamit ang kamay ko ng abutan ako ng panyo ni Trenz at tinabihan ako. Si Charls naman tumabi din sakin at hinagod ang likod ko. "Walang nangyaring mabuti sa ilang taong pagsasama namin. She would smile and talk to me pero ako ganting ngiti lang. hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung magsasalita man ako maikli lang at sa tuwing magtatanong lang siya. Tapos..." "Tapos?" Tanong ni Max na naka-upo naman sa sofa na kaharap namin. "Nawala ulit siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sising Sisi ako noon. Para akong masisiraan ng bait kasi paano kung tuluyan na talagang siyang mawala? Anong gagawin ko?" "Ilang taon tayo noon?" Tanong ni Charls "Fifteen years old kami at sixteen years old kayong tatlo." Sagot ko. "Yun yung taon na balisa ka at kahit anong tanong namin sayo tungkol sa problema mo wala kang sinasabi." Sabat ni Trenz. "Anong nangyari pagkatapos?" Tanong ni Max. "Sa isang taon puno ako ng pag-sisi hanggang sa dumating ulit siya na parang walang nangyari. Tinanong ko siya ng ilang beses pero sa tuwing tinatanong ko siya lagi niyang iniiba ang usapan. It's clear that she doesn't want to talk about it kaya hindi ko na siya pinilit. Pero sa tuwing uuwi ako galing school at wala pa siya hindi ako mapakali tapos uuwi na siya ng gabi. Ang laging pumapasok sa isip ko kapag wala pa siya sa mansion ay mawawala nanaman siya." "That's all? Ano ang rason kung bakit hindi mo siya pinakilala saamin?" Tanong ni Max. "I was planning to tell you guys about her pero bigla kasi akong naka-tanggap ng package. Akala ko kung ano ang laman pero isang pirasong papel lang naman at isang litrato." Tinignan ko si Max na seryosong nakikinig. "Yung nasa litrato.. it was mom. Nang basahin ko yung nakasulat sa papel sabi doon mahahanap ko daw ang ina ko kung mapapasok ko ang isang kilalang organisasiyon. And I was shocked when I found out that the person was running that organization is my sister. Sabi ko sa sarili ko paano nangyari yun? At ng tanungin ko si Davdream natigilan siya noon and I was somehow scared at her emotion that time. Iyong emosiyong nakita ko sakanya iyon yung una kong nakita noong bumalik siya ng mawala siya ng dalawang taon. Akala ko hindi siya aamin pero nagulat ako ng sabihin niyang siya nga ang nagpapalakad non. Ang mali ko lang hindi ko tinanong sakanya noon kung paanong siya ang naging reyna ng organisasiyong yun." "What organization?" Trenz asked. "Mafia Organization." I answered. Nagulat sila sa sinabi ko. Bigla namang napahawak sa ulo si Max at napatitig sa sahig. "That's why. Kaya pala iba ang takbo ng isip niya." Naguluhan ako sa sinabi ni Max nang bigla siyang humarap ulit saamin. "Kaya pala..." "Ano bang ibig mong sabihin?" "You're sister killed our enemies. In-short we no longer have enemies. They were wiped out by your sister. Nag-isang sanib sila noong isang gabi at ng makita ng kakambal mo ang kalabang pinatulog namin itinaas niya lang yung kamay niya pinaulanan na ng bala ang lahat ng taong pinabagsak namin." Nanlamig at kinilabutan ako sa sinabi ni Charls. "She's a mafia queen Alice. Killing is their daily routine." Sabi ni Max. "Wait. Edi yung walang hiyang babae at tahimik na lalaki ay kasamahan niya? So hindi nagbibiro yung magandang babae na yon ng sabihin niyang mafia siya noong nasa sasakyan tayo?" Eksaheradang tanong ni Charls na tinanguan ko. "The f**k? So, she's a killer?" "Like I said, killing is their daily routine—" "But killing is a crime!" "Ano sa tingin mo kung bakit malalakas ang loob nilang pumatay? Because they have higher ups on their back." Sabat ni Trenz. Si Charls parang nababahala pa din. "It looks like that you really like that girl." "No, I don't!" Kaila ni Charls pero alam naming denial lang siya. "Wait. May narealize ako. Kaya ba nagpalit kayo dahil doon sa package na natanggap mo?" Tumango ako kay Max. "Bakit hindi mo na lang siya tinanong?" "May pakiramdam kasi akong hindi niya sasagutin kaya nakipag-kasundo ako sakanya na magpalit kami ng isang buwan." "Edi hindi na tuloy dahil alam na namin?" Tanong uli ni Max. "Matutuloy kung papayag kayo." Natahimik sila sandali. Ibinulsa ko ang panyong inabot ni Trenz. Saka ko na lang ibabalik kapag malinis na saka wala naman ng luha sa mata ko. Nag salamin ako para makita kung may bakas ng pag-iyak and I was glad that there's no evidence that I cried.  "Payag kami. Just be careful." Napa-ngiti ako sa sinabi nila. "Bumaba na tayo baka hinihintay na tayo ng kapatid mo sa baba." Sabi ni Trenz kaya nagsitayuan na kami at bumaba pero iba ang bumungad sa amin. "Ano ba Blaire! Ang tanga mo naman maglaro!" Sigaw ni Victoria. "Anong ako? Ikaw nga tong bobo." Medyo na shock ako sa sinabi ni Blaire. Wala talagang tabas ang bibig ng taong to. "Hah! Take that noobs!" Parang batang sigaw ni Davdream saka tumayo at inilahad ang palad. "Pusta niyo, akin na. Bilis." "Mafia ba talaga yang mga yan?" Bulong ni Charls. "I'm sure about Alice sister. She killed our enemies after all but those two. I don't know." Sagot ni Trenz. "Alice! You done?" Napalingon ako kay Davdream na nakangiti. My sister. She could kill without any remorse. "Yep." I answered. "Let's go home?" Tumango ako sa sinabi niya. Nagsi-tayuan na sila ng mga kasama niya at lumabas. Akmang susunod na ako ng pigilan ako ni Max. "Don't be a coward Alice. It's just your sister. You're a gangster queen. Nasaan ang tapang mo? She maybe a mafia queen and could kill a person but she's still your sister. Dig up Alice. Sa nakikita ko sainyong dalawa mas kilala ka ng kapatid mo and you? What about you? Do you even know her?" Hindi ako umimik sa sinabi ni Max ng bigla niyang guluhin ang buhok ko. "It's time to choose her, Alice."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD