Nang makaalis si Gracia ay naglinis muna sa unit niya si Steph. May ilang oras pa naman bago siya pick-up-in ni Greg. Nakapaglaba rin siya ng mga damit na pinagsuotan niya ng isang linggo. Naisama na rin niyang labhan ang mga kobre-kama at punda ng unan at mga throw-pillow. Marami-rami na siyang natapos na gawaing bahay ngunit ang excitement sa dibdib niya ay hindi nawawala. Ayaw man niyang aminin ngunit nahulog na rin ang loob niya kay Greg. At ngayon nga ay hindi mapakali ang puso niya sa isiping may dinner date sila. Hindi naman date at dinner lang ngunit pakiramdam niya ay date iyon. Napili niyang suotin ang plain black dress niya na above the knee at pinaresan niya ng three-inches heels. Nang maihanda niya ang susuotin ay saglit na nagpahinga siya. Habang nakatingin sa kisame na nak

