"Akala mo hindi ko malalaman kung nasaan ka?" napitlag si Steph sa nabasa nang buksan niya ang mensahe sa cellphone niya na numero lang ang lumabas. Malakas ang kabog ng dibdib niya na tila lalabas ang puso niya sa nabasa. Isa lang ang maaaring magsabi sa kanya niyon---si Gino. "P-paano? Sino ito?" tanong niya sa sarili niya. "Okay ka lang?" agad na tanong ni Greg sa asawa. Naramdaman nito ang pagbangon ni Steph mula sa pagkakahinga. O-oo. Okay lang ako." agad na in-off niya ang phone niya at muling nahiga. Niyakap naman siya ni Greg. Ilang araw nang maikasal sila ay naging balisa na siya at nadagdagan lang dahil sa mensahe na natanggap niya. Hinalikan nito ang noo ni Steph. "If you say so," sabi nito sa asawa. Finally ay ikinasal na sila. Muli niyang naalala ang mensahe. Nasisigurado

