Matapos mag-usap ay pumasok na sa kuwarto si Gino. "Babe, mainit yata ang ulo mo?" agad na salubong ni Jackie rito at siniil ng halik ang binata ngunit agad siyang inilayo nito. "Wala ako sa mood. Matutulog muna 'ko." sabi nito saka sumampa sa kama at padapang isinubsob ang mukha sa unan. "Ano ka ba? Sayang naman. Nag-iinit pa naman ako ngayon..." lambing nito habang hinahaplos ang puwetan ng binata. Agad na hinawakan ni Gino ang kamay nito at pabalyang inalis. "Punyeta naman, Jackie! Pagod ako. Magpapahinga muna ako!" bulyaw nito sa kanya at agad namang tumayo si Jackie. "Tang*na, Gino! Ano'ng problema mo? Ang nanay na naman ng anak mo? Sabi mo mahal mo 'ko? Bakit iniisip mo pa rin ang p*tang iyon?" ito ang namimiss niya kay Steph. Kahit kailan ay hindi siya nilabanan nito. Naging pa

