"Good morning, babe!" isang masiglang Jackie ang gumising kay Gino. Ngunit sumama rin ang mukha nito dahil sa sinabi ni Gino. "Steph?" muli itong pumikit at kinusot ang mga mata. Ngunit pagmulat ay si Jackie ang nasilayan niya. "Tang*na, Gino. Hanggang ngayon ba? Kailan mo ba tatantanan si Steph. Pati yata panaginip mo e siya ang laman. Ako naman ang isipin mo minsan. Ako ang ikinakama mo pero iba ang pangalan na binabanggit mo. Letse!" singhal ni Jackie at padabog na binuksan ang pinto ng kuwarto saka lumabas at pasalyang isinara rin ito. Agad namang napabangon si Gino kahit naka-boxers lang ito at hinabol si Jackie. "Sandali, babe." sabi pa niya. Nadatnan niyang kumakain sa kusina si Badong ngunit wala si Jackie. "Ano? LQ kayo? Tsk. Nasaan na ba kasi si Stephanie. Para naman hindi ka

