"Sundan mo na siya. Pinauubaya ko na sa'yo si Gwen." sabi ni Greg kay Gino. Wala na rin naman siyang balak bawiin ang babaeng ibinigay na ang katawan sa iba kahit na sila pa. Mabuti sana kung hiwalay na sila. Ngunit hindi e. "Hindi ko naiintindihan, Greg." maang ni Gino. "Nakita ko kayo. Huwag mo nang ikaila dahil nirerespeto ko kung nagmamahalan kayo. Pero ayaw ko na makita ang pagmumukha mo rito." tiim bagang na sabi ni Greg. "Ano ba ang sinasabi mo?" patuloy pa rin ang pagmamaang-maangan ni Gino. "Please, Gino. Ayaw kong masira ang natitira ko pang respeto sa'yo. Sa inyo ni Gwen. Huwag na kayong magpapakita sa akin kahit kailan." sabi ni Greg. Labis siyang nasaktan sa nangyari ngunit kailangan niyang magpakatatag. Lumipas ang panahon na paalis ng mansion si Greg at papunta sa state

