"Puwede ba bitiwan mo 'ko, Lauro? Nasasaktan ako." sigaw ng isip ni Steph pati na ng bibig niya. Ngunit ang traydor niyang puso ay tila na-e-excite sa ginagawa ng lalaking nakahawak sa baywang niya. Langhap na langhap noyang ang minty breath nito at tila nag-aanyaya na ilapat niya ang labi niya rito. "Na-miss lang kita. At isa pa wala naman ang kapatid ko kaya huwag ka nang umarte na parang ayaw mo. Alam ko gustong-gusto mo rin." inilapit nito ang ilong sa leeg niya. "At ang bango mo. Ito na ba ang pabango na ibinigay ko sa'yo?" napaawang ang labi ni Steph. Akala niya ay si Greg ang nagbigay nito dahil nakalagay ito sa dresser niya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kasal na ako at hindi mo na puwedeng gawin ang lahat ng gusto mo. Pag-aari ako ng kapatid mo at hindi ninyong dalawa." giit

