Matapos ang dinner nila ay inihatid ni Greg si Steph pauwi sa bahay nito. Hindi maalis ang titig nito sa babaeng katabi habang hawak ng isang kamay ang palad nito at ang isang kamay ay nagmamaneho. "Hindi naman ako mawawala. Mag-ingat ka sa pag-drive. Baka hindi pa man tayo ikinakasal e byudo ka na." napahalakhak pa si Steph dahil sa sariling sinabi. "I won't allow that to happen..." sabi nito saka masuyong hinagkan ang likod ng palad nito at nag-focus na sa pagmamaneho. Nang makarating sa bahay ay hindi na nito pinatuloy ang binata. Nahihiya siya. Hindi siya sanay na ganito kagalang ang kasama niya. Ngunit ang gaan ng pakiramdam niya. Animo'y isa siyang mamahaling bagay na iniingatang masira. "I'll go ahead. I'll pick you up for work tomorrow." bilin nito kay Steph "Seriously? Ang la

