Pagtulong nga lang ba? Hindi niya rin sigurado sa sarili niya. O baka siya ang nahuhulog na rito. Umiling siyang muli. Hindi maaari. Mahal niya ang anak niya at iyon lang ang inaalala niya. Ang anak niya at wala nang iba. "Hala ka, Stephanie. Snob nito. Bakit hindi ka nagrereply? Naselyuhan na ba ni knight in shining armor mo ang bibig mo?" palatak nito sa kanya nang makarating ito sa may pinto ng unit ni Steph at pagbuksan siya ng pinto. "Ang bibig mo. Ang ingay mo talaga." sermon niya kay Gracia. "Bakit? Wala naman akong nabanggit na pangalan ah. Bakit guilty ka? Naselyuhan na ano?" naiiling na lamang siya rito. "Basta, friend. Walang sekretong hindi nabubunyag. Aamin ka rin in the future. Hmp. Ay teka, may dala akong siomai. Ginawa ko 'yan kagabi para may chicha tayo. Walang tulugan

