Nagkasundo ang dalawa na hindi muna siya aalis hanggang hindi magaling ang paa niya. Ngunit nakadadalawang araw pa lamang siya roon ay nasabi na niya rito ang nangyari sa kanya. Paano ay natakot siya na baka magtanong ang matanda sa palengke. "Makiki-usap ho sana ako..." isang gabi na hatiran siya nito ng pagkain. "Manang Maca na lang itawag mo sa'kin. At ano ba ang ipakikiusap mo?" tanong ng matanda. Sa ikalawang araw nito ay hindi niya akalain na magsasabi na ito sa kanya. "Baka ho kasi magtanong-tanong kayo sa palengke tungkol sa akin. Sana ho huwag..." napaisip si Macarena kung bakit dahil iyon naman talaga ang balak niya bukas. Aalamin niya ang pamilya ni Steph. "Ano ba ang problema? Huwag kang mag-alala. Makaaasa ka na sikreto ano man ang pag-uusapan natin." pangako nito kay Step

