PAGKABABA ko pa lang ng bus ay nakita ko na ang nakangiting mukha ni Gab. Isang deretso lang kasi ng bus ang papunta sa resto niya, ‘yun nga lang ay may katagalan ng kaunti ang byahe. Inabot rin ako ng 30 minutes sa bus bago nakarating, pero hindi hassle dahil isang sakayan lang mula sa university. “Hindi mo naman ako kailangang salubungin.” Natatawang ani ko ng makalapit sa kanya. “Sabi mo kasi ikaw lang mag-isa.” Nakangiting aniya, “Tara sa loob.” Inalalayan niya ‘ko hanggang sa makapasok kami sa resto niya. Pagkapasok pa lang namin ay agad akong namangha sa itsura ng loob. Hindi ko akalain na ganito kaganda ang kalalabasan ng restaurant ni Gab. Modern ang style na may pagka Japanese style rin. Kulay pula at itim ang tema, black ang mga upuan at pula naman ang tables. May mga upuan

