MASIGLA akong pumasok ng campus at agad kong nakita sila Bri na nakaupo ulit sa hagdan. Kasama nila si Sabrina na ngayon ay sumisimsim ng kape. “Mukhang good mood ka, Shan ah.” Pang-aasar sa akin ni Bri nang makalapit ako sa kanila. Sino ba ang hindi gaganda ang araw kung ang kasabay ay isang Storm. Ang ganda ganda na nga ng gising ko kaninang umaga, mas lalo pang gumanda nu’ng sabay kaming pumasok ni Storm. Hindi ko alam kung anong nakain niya at hinayaan niya akong sumabay sa kanya, pero sana palagi na lang siyang ganu’n. “Paano hindi gaganda ang araw niyan, nagka-moment lang naman sila ni Storm kahapon.” Pang asar na ani Sab. Nanlaki ang mata nila Bri. “Talaga? Anong moment ‘yan? Pang kdrama ba?” Ngumiti ako ng matamis sa kanila at ikot ikot ang naka braid kong buhok. “Wala nam

