TULALA ako habang pabalik ng business department building. Kanina pa tapos ang lunch time at nagsisimula na ang subject namin pero nagpaalam akong magbabanyo, kahit ang totoo ay gusto ko lang na magmuni-muni. Hindi pa rin mawala sa isip ko ‘yung ngiti at tinginan nila nu’ng Erin na ‘yun. Isama pa ‘yung sobrang ganda niya rin, balita ko ay karamihan sa mga lalaki rito ay may gusto sa kanya. Paano kung isa na ro’n si Storm? ‘Yung tipo ni Erin ang tipo niyang babae kaya hindi malabo na magustuhan niya rin siya. “Omygod.” Agad akong nag panic ng makabangga ako ng kung sino. Kinapa ko ang bulsa ko para humanap kung may panyo ba ako pero wala akong makita. “Sorry mi—” Natigil ako ng makita kung sino ang kaharap ko ngayon na masama ang tingin sa’kin. May dala siyang cup ng juice at

